• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino, pinaghahandaan na ang pagpapalabas ng pelikulang “Goyong”

Paulo Avelino, pinaghahandaan na ang pagpapalabas ng pelikulang “Goyong”

Aminado ang aktor na pressured siyang mapantayan ang success ng “Heneral Luna” sa takilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/5/2018 10:04 AM
Paulo Avelino, pinaghahandaan na ang pagpapalabas ng pelikulang “Goyong”


 

Busy man sa kanyang role na Gael sa pang hapon na serye ng ABS-CBN na Asintado, may nakapilang dalawang pelikula ang aktor na si Paulo Avelino na malapit nang maipalabas.  

Una na dito ang historical movie na Goyong, na hango sa buhay ng national hero na si Gregorio Del Pilar.

Kuwento ni Paulo umabot ng mahigit pitong buwan ang pag gawa nila sa movie na ito ng TBA Productions, na siya ring nag-produce ng historical film at box-office hit na Heneral Luna

"Matagal-tagal din namin ginawa ang Goyo, siguro umabot kami ng halos pitong buwan, sixty shooting days maliban pa sa mga araw na kailangan namin mag-rehearsal ng pagpatalon ng kabayo," pahayag ni Paulo. 

Aminado din si Paulo na nakakaramdam siya ng pressure na matumbasan ang tagumpay ng Heneral Luna.

"Of course pressure from Heneral Luna, pero dito sa Goyong kasi malamang gusto din ng marami na mapanuod at ang main goal talaga namin at makagawa ng dekalidad na pelikula." 

Bago pa man ang Goyong, gumawa na ng pangalan si Paulo sa 2017 Metro Manila Film Festival movie na Ang Larawan, kung saan labis siyang hinangaan ng mga manunuod.

"Nagkataon lang siguro na kada pelikula na ginagawa ko naghahanap lang ako ng kakaiba na hindi ko pa nagagawa," paliwanag ng aktor. 

Bukod sa Goyong, abala din si Paulo sa shooting ng pelikula kasama sila Bea Alonzo at Derek Ramsey na may working title na Kasal na under naman ng Star Cinema.