Elmo Magalona, minamadali nga bang maging girlfriend si Janella Salvador?

On Janella-Elmo

Elmo Magalona, minamadali nga bang maging girlfriend si Janella Salvador?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/04/2018 12:15 PM
Elmo Magalona, minamadali nga bang maging girlfriend si Janella Salvador?
Photo credit to @elmomagalona IG

 

Tumanggi si Janella Salvador na pag-usapan ang napapabalitang misunderstanding nila ng inang si Jenine Desiderio. Sa mga post kasi ng ina ni Janella sa social media ay mababasa na laging may tinatarayan ito na hindi naman binabanggit ang pangalan.

Marami ang nag-i-speculate na ang ka-love team ni Janella na si Elmo Magalona at leading man niya sa My Fairy Tail Love Story ng Regal Entertainment ang pinatatamaan ng kanyang ina.


Aniya, “Siguro for me lang, sana, all the people talking about it would respect my privacy na lang even if what she did was not so private. ‘Yun lang.”

Nang tanungin naman si Elmo kung nasasaktan ba siya sa nangyayari, ang say lang niya, “I just want peace, peace lang.”

Sinubukan na ba niyang mag-reach out sa mother ni Janella?

“Ah, ako, like Janella said naman, it’s something that is really in the family so, I just try to keep on telling her na I’ll support her naman whatever happens pero ‘yun, if it’s part of the family, like I don’t want really to be involved,” katwiran ni Elmo.

Samantala, nag-worry nang husto si Elmo nang magkasakit si Janella kamakailan lang at tamaan ng viral infection.

During those times na may sakit ang ka-love team, talaga namang siya ang nag-alaga rito na ikina-touch ni Janella.

“I just really care for Janella na ayaw ko siyang makitang may sakit, ayaw ko siyang nakikitang ganito, kasi I know her, she’s super full of life.

“She’s super-cheerful and for me to see her na ganito siya, parang it’s hard for me to see it kasi sanay ako sa kanya na parang… siyempre, ang dami na naming times na nag-work together and mahirap to see her like that.

“So, whatever I can do para mawala na ‘yung sakit niya, I’ll do it,” kuwento pa ng binata.

Iginiit din ni Elmo na ayaw niyang madaliin si Janella pagdating sa love.

“Ako, I just keep on telling naman Janella na it would have to depend on her. Na kung pwede na siya, kasi like I’ve said, I’m not really here in a rush. Saka I’m just really happy na nakakatrabaho ko pa rin siya,” sabi pa ni Elmo.

Ang My Fairy Tail Love Story ay showing na on Valentine’s Day (February 14). The film is under the direction of Perci Intalan at kasama rin sa pelikula sina Kiray Celis, Kiko Estrada, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, at marami pang iba.