Pinoy fashion designers nagbayanihan para sa pagbangon ng Marawi

Pinoy fashion designers nagbayanihan para sa pagbangon ng Marawi-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/03/2018 11:48 AM
Pinoy fashion designers nagbayanihan para sa pagbangon ng Marawi

 

Bayanihan para sa pagbangon ng Marawi City ang bagong proyekto ng Filipino fashion designers na nagsama-sama para sa isang fundraising event na Marawing Salamat.

 


 

Dito, ipinaliwanag nina Eddie Baddeo at Renee Salud ang inspirasyon ng kanilang mga likhang kasuotan.

"This is my tribute to the Marawi people (Maranao) na ngayon ay nagkukumahog  na mai-angat ang kanilang buhay so I thought of using the Mindanaoan fabric and of course the Marawi embroidery from Marawi," ani pa ni Renee Salud.

Modern Filipina twist of Maranao naman ang likha ng designer na si Eddie Baddeo.

"It's a modern Filipiniana carnival gown that kakaiba ang terno sleeves niya. And then the basic fabric is an oil painting. I made the gown and then made of lace ang sleeves niya," saad naman ni Eddie.

Ayon pa kay Renee, pagpapatunay ito na hindi lang sila mga designer na nalilinya sa pagandahan.

"Lagi naman namin ginagawa ng mga fashion people. Gusto namin patunayan sa mundo na hindi lang kami nagpapaganda sa mga tao kundi kami naman may puso din na tumutulong sa kapwa," sambit ni Renee/

Giving back naman kung ituring ito ni Eddie para sa sa nga blessings na kanyang natatanggap.

"For the Marawi ano ito eh na dapat makatulong kami, at least little things na makakatulong kami na kahit paano binabalik namin ang blessings ng mga designers para maktulong naman kami," sabi pa ni Eddie.

Karangalan naman para kay Carlos Siguion Reyna ang maging direktor ng Marawing Salamat sa darating na April 6.

Aniya, ito ang kanyang munting paraan ng pagtulong.

"Let's help rebuild Marawi. Yun ang what we held here, it's just an excerpt of what will be held in April, the full show," sabi pa ng director.

Mapapanuod ang Marawing Salamat sa darating na April 6 sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.