• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi daw inakala ni Tirso Cruz III na maalaala ni Maja Salvador ang kanyang pagpayo noon.

EXCLUSIVE: Tirso Cruz III ibinahagi ang best advice na ibinigay niya kay Maja Salvador noon nag-uumpisa pa lang ito

Hindi daw inakala ni Tirso Cruz III na maalaala ni Maja Salvador ang kanyang pagpayo noon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/03/2018 09:35 AM
EXCLUSIVE: Tirso Cruz III ibinahagi ang best advice na ibinigay niya kay Maja Salvador noon nag-uumpisa pa lang ito

 

Sa halos 50 years ni Tirso Cruz III sa showbiz industry ay masaya siya na patuloy na nabibigyan ng magagandang role tulad na lang ng character ni Julio Ardiente sa Wildflower series ni Maja Salvador sa ABS-CBN.

Muli rin niyang nakatrabaho sa soap opera si Maja Salvador na una niyang nakasama noong hindi pa ito gaanong sikat sa John Lloyd Cruz at Bea Alonzo series na It Might Be You way back 2003.


Kuwento ni Maja, madalas daw siyang kausapin noon ni Kuya Pip kahit baguhan pa lang siya at hindi pa pinapansin ng ibang artista.

“I never realized na natatandaan pala niya talaga yon, yung mga usapan namin when she was just starting. Sa akin kasi, walang baguhan, walang beterano, eh. If you are a co-actor palitan tayo ng idea,” kuwento sa PUSH ni Kuya Pip after the finale presscon of Wildflower.

Nakakataba rin daw ng puso ang pag-appreciate sa kanya ni Maja.

Aniya, “Hindi ko alam na nag-mark pala yon kay Maja. Kahit naman kaninong baguhan gagawin ko rin yung kausapin sila, hindi lang naman kay Maja, kaya nga nakakataba ng puso.

“Modesty aside, it’s something na nakataba ng puso ko kasi after many, many years, kahit pa nga nung nag-umpisa kami nito (Wildflower), naalala pa nga niya. Sabi pa niya, ‘Tito Pip, naalala mo nung nag-uumpisa pa lang ako ikaw yung isa sa matiyaga na nakikipag-usap sa akin.’

“Hindi naman sa isiningle-out ko siya, I don’t know, parang I saw something in her, she was really a very sweet girl nung nag-umpisa siya and sabi ko nga, I think itong babaeng ito if only given the right breaks and opportunities  she well do well.”

Natatandaan pa raw niya kung anong advice ang ibinigay niya noon kay Maja.

“Sabi ko sa kanya, for every project that you do, parang produkto yan, try to reinvent yourself always.

“Halimbawa, may iba kang karakter na ginampanan at pagkatapos non you have to erase that from who you are at pag nag-umpisa ka ng bagong show whether movie or soap, kailangang i-repackage mo ulit ang sarili mo.

“Okay, you are Maja Salvador pero for you to be able to deliver na ang makita ng tao ay yung karakter mo in a different form, that is what basically is very important para sa actor or actress–not stopping reinventing yourself and challenging yourself.

“Sabi ko sa kanya, be better than your last performance. Tandaan mo, always, huwag kang mag-isip na may kalaban ka o may tatalunin ka, ang kailangan mong talunin yung sarili mo,” pagbabahagi pa ni Kuya Pip.

Ayon pa sa beteranong aktor, nakita niya raw na sinunod naman ni Maja ang mga ipinayo niya sa aktres. Masayang-masaya rin daw siya sa tagumpay ni Maja sa Wildflower.