• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez on what kind of wedding their parents want: ‘Gusto nila yung traditional na invited lahat.’

Richard Gutierrez, inamin na iba ang gustong wedding ng mga magulang kesa sa gusto nila ni Sarah Lahbati

Richard Gutierrez on what kind of wedding their parents want: ‘Gusto nila yung traditional na invited lahat.’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/27/2018 11:16 AM
Richard Gutierrez, inamin na iba ang gustong wedding ng mga magulang kesa sa gusto nila ni Sarah Lahbati
Photo credit: @sarahlahbati on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Richard Gutierrez na may hindi pagkakasundo sa gusto nilang wedding ni Sarah Lahbati sa gusto ng mga magulang nila lalo na ng mga nanay nila. “Siyempre, yung parents namin ni Sarah they’re very traditional Filipino, especially our moms. Gusto nila dito sa Pilipinas. Gusto nila yung traditional na invited lahat, invited yung kamag-anak ng kamag-anak namin so siyempre hindi naman namin matatanggihan yun. Siyempre nirerespeto namin yung gusto ng parents namin.” 

Kung sila naman daw ang masusunod, ani Richard, “pero if we can have it our way, gusto namin sana ni Sarah na mas intimate yung wedding. Gusto sana namin yung close family and close friends ang kasama namin dun sa special moment namin.”


Nakatakda diumano ang kasal “around March or April” ngayong taon. Dagdag pa ni Richard, “napag-usapan na namin ni Sarah dati yung dream setup ng wedding namin so meron na kaming short list of venue.” Binahagi din ni Richard na ang pinagpipilian nilang venue ay “beach wedding or a mountain wedding in Switzerland.”