Dina Bonnevie, napa-throwback sa pagganap ng multiple roles

Dina Bonnevie, napa-throwback sa pagganap ng multiple roles-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/27/2018 10:57 AM
Dina Bonnevie, napa-throwback sa pagganap ng multiple roles

 

Aminado ang aktres na si Dina Bonnevie na extra effort silang mga stars sa late afternoon teleserye na The Blood Sisters kung saan gumaganap siya bilang si Debbie.

Dahil tatlo ang karakter ni Erich Gonzales bilang sina Ericka, Carrie, at Agatha, triple din sila sa effort pagdating sa taping ng programa.


 

“Ang hirap kasi we have to do the same scenes. Kapag sabay-sabay sila umiyak, we have to do it for six times. Ngayon palang nga dalawa palang sila nagkikita, four times na agad kasi one mother siya per character, and one closer shot for a particular scene. Masaya pero nakakalurkey,” masayang kuwento ni Dina sa premiere night ng The Significant Other.

Nakumpara pa ni Dina na gumanap din minsan sa maraming role sa isang pelikula gaya ng Kung Kasalanan Man at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ang kaibahan ng pagkakagawa ngayon ng mga programa.

“…with the technology now na talagang six times ang scenes. Pero nakakatuwa din kasi versatile si Erich and she shows the differences between the three characters,” paliwanag ng aktres.

Dapat din abangan si Dina sa upcoming movie na Citizen Jake na likha ni Mike De Leon.

“I play the mother of Atom Araullo, parang nasa flashback ata ako. I think I’m a battered wife ako dito sa role ko. Tapos pinapatay ako ng isang senador,” ani pa ni Dina.

Ibinahagi din ni Dina ang kanyang experience katrabaho ang beteranong director na si Mike De Leon.

“Mike De Leon is Mike De Leon. Moody pa din siya but he’s really a good director, pero hindi na ata matatanggal ang moodiness niya. Ganun na siya. That’s what makes him brilliant,” pagbahahagi pa ni Dina.