• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban reacts to JM De Guzman admitting he was the one who sent her flowers.

Angelica Panganiban on JM De Guzman: ‘Mas maganda yung naalalayan namin siya’

Angelica Panganiban reacts to JM De Guzman admitting he was the one who sent her flowers.

Angelica Panganiban on JM De Guzman: ‘Mas maganda yung naalalayan namin siya’-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/27/2018 11:02 AM
Angelica Panganiban on JM De Guzman: ‘Mas maganda yung naalalayan namin siya’
Photo credit: @1migueldeguzman on IG

 

Sa Push Now Na, inamin ni Angelica Panganiban na alam niya na si JM De Guzman ang nagpadala sa kanya ng mga bulaklak na inakala ng maraming netizens na nanggaling kay Carlo Aquino. Ani Angge, “Nagkaalaman naman.”

Komento pa niya tungkol sa suportang pinapakita niya kay JM, “Andito naman kami. Kami nila Joross (Gamboa), mga kaibigan niya na. Siyempre gusto namin as much as possible na nasa tamang grupo lang siya palagi. Crucial kasi siyempre, parang pagkalabas ‘di ba? Mas maganda yung naalalayan namin siya.”


Natanong rin si Angge kung kumusta na ang estado ng puso niya. “Okay naman siya. Kalmado siya.” Nang tanungin kung gusto na ng puso niyang tumibok ng mas mabilis, ayon sa kanya ay, “oo.” Pero binawi din ito ni Angge at sinabing, “Hindi masyado, inaartehan ko lang umaarte lang ako.”