• Home
  • Fresh Scoops
  • Walang issue sa actor-turned-businessman kung totoo man ang chismis na buntis ang aktres.

RS Francisco walang problema kay Ellen Adarna bilang celebrity endorser ng kanyang business

Walang issue sa actor-turned-businessman kung totoo man ang chismis na buntis ang aktres.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/26/2018 04:38 PM
RS Francisco walang problema kay Ellen Adarna bilang celebrity endorser ng kanyang business
Photo credit: Ellen Meriam Adarna' FB Page (R)

 

Sa kabila ng maugong na balitang pagdadalang tao umano ni Ellen Adarna sa anak ni John Lloyd Cruz, tuloy-tuloy pa din daw ang pakikipagtrabaho ng aktres bilang endorser ng business ng actor na ni RS Francisco.

Sa naging pahayag ni RS sa naganap na thanksgiving party ng kanyang pelikulang Boy Instik, kinumpirma niya na bahagi pa din si Ellen sa celebrity endorsers ng kanyang company.


“Kahit ano pa man, lagi namin sinasabi na ang Frontrow ay bukas sa kahit anong kasarian – babae, lalaki, may kasarian o walang kasarian, mayaman o mahirap, matalino ka man o hindi. As long as na wala kang ginagawang masama okay ka sa amin,” sabi ni RS. 

“Para sa amin, wala naman ginawang masama sa amin si Ellen with Frontrow, para ika-upset namin. Basta tuloy-tuloy kami kay Ellen. 

Wala din sa kanya kung sakaling buntis nga ito tulad ng mga napapabalita.  

“Wala naman problema, Normal naman yun e kasi babae yun e, magulat kayo kung ako ang nabuntis di ba (laugh) and ang ini-endorse ni Ellen is for skin whitening so pwede naman kahit buntis ka walang effect yun,” sabi pa ng aktor.  

Paboritong endorser din daw nila si Ellen dahil madali itong katrabaho at hindi man daw visible si Ellen sa showbiz ngayon, wala din umano nagbago sa relasyon nila dito. 

“Wala nothing has changed kung gaano ko ka love si Ellen dati, mas love pa namin siya ngayon,” pagtatapos ni RS.