• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi daw akalain ni Marco na magiging isang beauty pageant contestant ang kanyang kapatid na kilala sa larangan ng sports.

Marco Gumabao proud sa transformation ng kapatid na si Michele Gumabao

Hindi daw akalain ni Marco na magiging isang beauty pageant contestant ang kanyang kapatid na kilala sa larangan ng sports.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/26/2018 04:29 PM
Marco Gumabao proud sa transformation ng kapatid na si Michele Gumabao
Photo credit: @gumabaomarco (L)/ @gumabaomichele (R) on IG

 

Proud at all out support ang hunky actor na si Marco Gumabao para sa kanyang kapatid na si Michele Gumabao, na isa sa mga opisyal na kalahok sa 2018 Binibining Pilipinas.

Isa si Michele ngayon sa may mga matutunog na pangalan sa Binibining Pilipinas pageant dahil bukod sa kanyang sex appeal, hinahangaan din ngayon kay Michele ang kanyang mega transformation from athlete to beauty queen.


“Basta ako if ever she needs me to post for anything (on social media) and if she wants me to go to her event siyempre pupunta ako,” bungad ni Marco. 

Kuwento pa ng aktor, isa siya sa unang naka-alam na sasali sa pageant ang kanyang kapatid. Hindi na din daw kinakailagan ni Michele na magpaalam pa sa kanilang pamilya. 

“She has her own life naman and she makes her own decisions, but siyempre she still asked Mom and Dad kung ano ba ang maganda pang gawin and siyempre lahat kaming family, full support kami for her,” sambit pa ni Marco.  

Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit gustong sumali ni Michelle sa beauty pageant dahil ang tita nila, ang aktres na si Isabel Rivas, ay matagal nang bukang-bibig at pangarap na isa sa kanyang pamangkin ay rumampa sa entablado.  

“Yung tita namin (Isabel Rivas) dream talaga niya na isa sa mga kapatid ko maging beauty queen, but I didn’t think si Michele yun kasi athlete siya and her body type is not for beauty queen. But I’m happy sa transformation niya,” pahayag pa ni Marco.