KZ Tandingan, sinagot ang isang netizen na nagsabing “Wala ka sa timing”

KZ Tandingan, sinagot ang isang netizen na nagsabing “Wala ka sa timing”-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

02/26/2018 05:18 PM
KZ Tandingan, sinagot ang isang netizen na nagsabing “Wala ka sa timing”

 

Na-impress man ni KZ Tandingan ang judges sa international show na Singer 2018 ay may ilan pa ring netizens ang ‘di sumang-ayon dito at isa na rito si “PELIKULista” ng Twitter na sinabihan si KZ na “wala sa timing” sa kanyang huling performance.

“Pakinggan mo naman ung music as background sa Singer 2018, wala ka sa timing beh. Sayang,” pahayag ng netizen.


Nakuha naman nito ang atensyon ni KZ at sinabing inaayos nila ang video.

“Inaayos nila ngayon. Kasi nagkaproblema sila sa post editing ng video kaya nagka ganun. Sorry beh ha nasayang tuloy. Tag kita pag naibalik na nila sa original. Thank you beh,” sagot ni KZ.

 

Maraming netizens naman ang natuwa sa kanyang pagsagot.

Pasok si KZ sa Top 4 ng Singer 2018 matapos kantahin ang “Say Something.”

Read: KZ Tandingan, back in the top 4 of Singer 2018