• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, nagbigay kuwento sa kanyang upcoming projects sa kapamilya network

Judy Ann Santos, nagbigay kuwento sa kanyang upcoming projects sa kapamilya network

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/25/2018 1:36 PM
Judy Ann Santos, nagbigay kuwento sa kanyang upcoming projects sa kapamilya network


 

Present sa naganap na appreciation lunch nitong nagdaang February 23 ang cast ng blockbuster movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes tulad nina JC De Vera, Joross Gamboa, Angelica Panganiban, at Judy Ann Santos.

 

 

Kasama ang mga kapamilya executives na sina Chief Executive Officer Carlo Katigbak, Star Cinema big boss Olivia Llamasan, at ang mga director ng pelikula, nagdiwang sila dahil lagpas 100 million pesos ang gross ng pelikula worldwide.

Dito, masayang ibinahagi ni Judy Ann ang mga dapat pang abangan sa kanya matapos ang tagumpay ng pelikula.

“Steady lang, Judy Ann’s Kitchen sa YouTube, sa Facebook. Another book hopefully before the year ends,” sambit ni Juday.

 

 

Bukod sa kanyang online cooking show at upcoming cookbook, isang teleserye din daw ang nakatakdang umpisahan ni Juday under ng Dreamscape.

“Ay oo nga pala may teleserye nga pala ako ‘no? (Laughs) Sa ngayon yun lang muna, hindi ko naman din kasi kaya yung dire-direcho na projects na may kasabay,” masayang pahayag ni Juday.

One at a time lang daw muna ang pagtanggap niya ngayon ng proyekto para mabigyan niya ng oras ang kanyang pamilya.

 

 

Market day for me and my girls! 😍😍

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

 

 

Today’s work buddy! ❤️❤️❤️

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

 

 

“Mag concentrate muna ako sa Judy Ann’s Kitchen both book and online show and then teleserye,” kuwento ni Juday.