Former Binibining Pilipinas queens ibinahagi ang kanilang mga bet sa 2018 Binibini candidates

Former Binibining Pilipinas queens ibinahagi ang kanilang mga bet sa 2018 Binibini candidates-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/23/2018 09:23 AM
Former Binibining Pilipinas queens ibinahagi ang kanilang mga bet sa 2018 Binibini candidates
Photo credit: @kylieverzosa (L)/ @rachelpetersx (C) on IG

 

Rumampa ang apatnapung kandidata ng 2018 Binibining Pilipinas para sa media launch na naganap sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

Dito nanood din ang mga past Binibining Pilipinas queens na pinuri ang present batch na maglalaban-laban para sa korona.


Isa na dito si 2016 Miss International Kylie Verzosa.

“Ang gaganda nila! Excited dapat ang tao! Fight for the crown you want!” sabi ni Kylie.

Sina Venus Raj at Dindi Gallardo napa-throwback pa at inalala ang mga panahon na sila ang kinakabahan at rumarampa sa stage.

“Sabi ko nga kanina andami magaganda. Sino ang mananalo? Andami magaganda!” sabi ni Venus.

Undecided naman sa kanyang paborito ngayon si 1993 Miss Universe Philippines Dindi Gallardo.

“I have not been in any of the Binibini events since Charlene’s (Gonzales) reign and it has been 25 years for me. Yung unang naisip ko sarili ko that I was doing the same thing 25 years ago and it’s tougher, I think,” kuwento pa ni Dindi.

Si Maria Rafaela Yunon naman kabado dahil kandidata ang kanyang pinsan na si Aya Abesamis.

“Iba when you’re a fan, iba when your blood is actually in the competition. So for me I’m very proud because my cousin Aya did so well and I’m very excited for the coronation night but this batch is very tough ha,” sabi pa ni MaFae.

Si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters aminado na hirap din pumili ng kandidata na susunod sa kanyang mga yapak.

“They were all amazing. As I have said in my last interview, the girls have really stepped it up the notch. They’ve learned from our mistakes, they’re obviously working hard because every single one of them looks amazing,” pahayag pa ni Rachel.

Magaganap ang 2018 Binibining Pilipinas Coronation night sa March 18 na mapapanuod sa ABS-CBN.