• Home
  • Fresh Scoops
  • Vandolph: ‘Ayaw ko lang mapagdaanan ng mga anak ko yung mga napagdaanan ko.

Vandolph doesn’t want his kids to grow up in a broken family

Vandolph: ‘Ayaw ko lang mapagdaanan ng mga anak ko yung mga napagdaanan ko.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/22/2018 11:07 AM
Vandolph doesn’t want his kids to grow up in a broken family

 

Sa Tonight with Boy Abunda, walang problema kay Vandolph kung makikipag-date ang kanyang inang si Alma Moreno. “Ako Kuya Boy, anak ako e so kung saan masaya ang nanay ko, siyempre susuportahan ko ang nanay ko. Kung gusto niyang makipag-date bakit hindi?”

15 years na ring may asawa si Vandolph at pinagmamalaki niya ang pagiging faithful niya sa kanyang asawa. Paliwanag niya, “Of course. Kasi yung pinagdaanan ko before nung bata ako. Hindi ko naman sinasabing mali yung Dad ko, mali yung Mom ko. Ayaw ko lang mapagdaanan ng mga anak ko yung mga napagdaanan ko. Sabihin natin broken family kami. I have a lot of brothers and sisters na buo naman kami pero what I mean masaya yun, pero pagdating sa akin gusto ko ideal.”


Dagdag pa ni Vandolph, “Gusto ko yung mga anak ko abutin ko pag kinakasal na sila. Gusto ko yung anak ko pag may problema sa amin ng mama niya pupunta.”

Paano naman kaya napapanatili ni Vandolph ang init ng pagmamahalan nila ng kanyang asawang si Jenny? “Clingy ako e.” Bukod dito, “We always find time for ourselves. Nagde-date kami.”