• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia at Julia Barretto, romcom ang pelikulang ginagawa ngayon.

Joshua Garcia, ipinaliwanag kung bakit di na nasopresa si Julia Barretto sa Valentine gimik niya

Joshua Garcia at Julia Barretto, romcom ang pelikulang ginagawa ngayon.

Joshua Garcia, ipinaliwanag kung bakit di na nasopresa si Julia Barretto sa Valentine gimik niya-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/22/2018 08:58 AM
Joshua Garcia, ipinaliwanag kung bakit di na nasopresa si Julia Barretto sa Valentine gimik niya

 

Going strong ang love team at relasyon nina Joshua Garcia at Julia Barretto na kamakailan lang ay kinilala ng 34th PMPC Star Awards for Movies bilang Movie Love Team of the Year.

“Ako po sobrang saya ko lang kasi hindi naman lahat ng love team ay napapagbigyan ng pagkakataon at hindi tinatanggap agad bilang love team. Masaya ako na tinanggap agad kami at hanggang ngayon marami ring opportunities yung dumadating,” reaksyon ni Joshua sa bagong award na kanilang natanggap.


Kumusta naman ba ang kanilang relasyon ngayon?

“Okey na okey naman po. Masaya lang,” matipid niyang sagot.

Sino ba ang mas sweet sa kanilang dalawa?

“Mas ako,” aniya. “Mas ano siya, eh, pakipot ng konti. Mas pamisteryoso siya, eh,” pagtatapat niya sa PUSH.

Patuloy niya, “May mga times na grabe siyang sweet. May mga times na hindi siya sobrang sweet. Iba-iba, depende sa mood siguro.”

Natatawa ring naikuwento ni Joshua na hindi na nasorpresa si Julia sa ginawa niya nung Valentine’s Day para kay Julia.

“Alam niya na kasi na ganun akong tao, eh, na mahilig mag-surprise. Gusto niyang mag-dinner kami pero hindi niya alam na that day yon.

“Nagulat lang siya pero hindi siya na-surprise na, ‘Ah, ganun?’ Alam niya kasi na nagsu-surprise talaga ako,” kuwento pa ng guwapong binata.

Halatang puyat si Joshua nang makausap namin siya sa Star Awards dahil sa dami ng trabahong ginagawa including tapings for The Good Son series sa ABS-CBN.

Nagpapahinga pa ba siya?

“Bawal. Bawal mapagod, eh. Ang daming dumadating na trabaho, eh, kesa wala,” sagot ng binata.

Dagdag pa niya, mas okey na raw yung walang pahinga o walang tulog kesa naman walang ginagawa.

Ibinalita rin ni Joshua na may ginagawa silang bagong movie ni Julia.

“Meron na kaming ginagawa ngayong movie under Star Cinema. Iba siya kesa don sa huli namin na Love You To The Stars And Back kasi romcom naman itong bago namin,” balita pa niya.

Samantala, hindi man nanalong best actor ay ipinagpapasalamat pa rin ni Joshua na naging nominado siya sa Star Awards para sa pagganap niya sa Love You To The Stars And Back.

“Masaya na ako na maihilera sa mga katulad nila (Robin Padilla, Dingdong Dantes at iba pa). Yung ma-nominate lang ay masaya na ako,” huling pahayag niya sa PUSH.