• Home
  • Fresh Scoops
  • Willing si JM De Guzman na pagsabayin ang pag-arte at pagkanta

JM De Guzman still believes in forever

Willing si JM De Guzman na pagsabayin ang pag-arte at pagkanta

JM De Guzman still believes in forever-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/22/2018 11:04 AM
JM De Guzman still believes in forever

 

Sa interview sa Push Now Na, kung mabibigyan ng opportunity gusto rin ni JM De Guzman na bigyang pansin ang pagiging singer niya. “Gusto ko sana kasi isa din yun sa gusto kong gawin. Ang dami ko ring naisulat (na kanta), mga 40 songs na.”

Pero anya, “Gusto ko sana ng tulong.” Kasi ayon kay JM ay “hindi pa ako confident” saka ang iba diumano sa mga kanta niya ay hindi pa nalalapatan ng musika.


Ang mga kanta ni JM ay tungkol daw sa, “convalescence. Yung process ng healing. Yung mga natututunan along the way. Medyo lumayo ako ng konti. May mga love songs pero hindi masyado.”

Gusto ng tumodo ni JM sa pagtatrabaho pero may mga restrictions pa diumano kasi kailangan niyang harapin ang mga bagay katulad ng pressure sa kanyang pagbabalik. “Yung hiya paano ko haharapin.”

Ganunpaman ay hindi nawalan ng faith sa forever si JM. “Meron. Kasi di ba pag may nakuha kang bagong strength, bagong love sa puso mo. Para (na din siyang) forever.”