Aga Muhlach at Janice De Belen, together again para sa anak na si Luigi Muhlach

Aga Muhlach at Janice De Belen, together again para sa anak na si Luigi Muhlach-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/22/2018 10:56 AM
Aga Muhlach at Janice De Belen, together again para sa anak na si Luigi Muhlach

 

Present sa naganap na opening ng comfort food restaurant business ni Luigi Muhlach na LuMu ang kanyang mga magulang na sina Janice De Belen at Aga Muhlach.

Proud parents sina Aga at Janice para sa bagong achievement na ito ng kanilang anak na isang chef.

Sa maikling panayam na ito ng PUSH at ng ABS-CBN News kay Aga at Janice, ibinahagi nila bilang magulang ang kanilang kasiyahan para sa kanilang anak.

 

"Of course I'm super proud, kasi ito na yung gusto niya gawin eh and any parent naman will be super proud," sabi ni Janice.

 

Lu❤️mu by chef Luigi Muhlach

A post shared by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

 

Sabi naman ni Aga, "Matagal na! (Proud) Matagal na, siya lang ang hindi bilib sa sarili niya. Son, you just have to believe and I just want to congratulate you for (this). Good job."

Wala naman nasabi si Luigi kung ‘di salamat sa tiwala at suporta na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang.

"I'm thankful lang na that we’re all together and that's it," sambit pa ni Luigi.

Samantala sa panayam kina Aga at Janice, naging biruan din kung bukas ba sila sa posibilidad ng muling pagsasama sa isang proyekto ngayong nauuso ang reunion projects ng former love teams.

"Bakit naman hindi? (Laughs) Hindi naman kami magka-away," sagot ni Aga.

Wala din daw problema kay Janice kung sakaling magkaroon ng pagkakataon na magkasama sa isang proyekto.

"Oo naman (laughs). Hindi kami magka-away," masayang pahayag ni Janice.

Kasama sa mga pelikulang pinagsamahan noon ng dalawa ang Isabel Aquino: I Want To Live, Pakasalan Mo Ako, Nasaan ka ng Kailangan Kita, The Crazy Professor at Bakit Madalas Ang Tibok ng Puso.