Pagbabalik sigla ng karera ni Richard Gutierrez, ipinagpasalamat sa ‘La Luna Sangre’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/21/2018 10:34 AM
Pagbabalik sigla ng karera ni Richard Gutierrez, ipinagpasalamat sa ‘La Luna Sangre’

 

Aminado si Richard Gutierrez na malaking bahagi ng kanyang pagbabalik showbiz ang La Luna Sangre kung saan nakasama niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

 

Para sa kapangyarihan! #LLSDuelo #LaLunaSangre #RichardGutierrez


A post shared by La Luna Sangre (@lalunasangreofficial) on

 

Sa naging kuwentuhan ni Richard sa entertainment press para sa nalalapit na pagtatapos ng La Luna Sangre, inilahad ng aktor ang mga gagawin pa niyang projects pagkatapos ng serye.

“It’s a tough act to follow pero may matindi akong plano pagkatapos nito. Magpapahinga po muna ako. Pagkatapos nito wala pa po talaga. As in now naka-concentrate kami sa La Luna lalo na matatapos na but may gagawin ako movie with Star Cinema,” kuwento ni Richard.

Patikim pa ng aktor, may pinanggagalingan ang karakter niyang si Sandrino kung bakit ito naging masama na sana ay masaksihan daw ng mga viewers.

“Kahit papaano maintindihan ng audience kung bakit niya ginagawa ito. Minsan si Sandrino, dahas ang gusto. Pero sana parang sa ending, sana ang gusto ko makuha ng audience yung core ni Sandrino kung bakit niya ginagawa lahat ng ito,” paliwanag ni Richard.

Dapat abangan din daw ng mga manunood ang mga pasabog pang mga eksena sa teleserye sa nalalapit nitong ending.

 

Hindi pa tapos ang laban! Abangan ang #LLSProofOfLife mamayang gabi! #LaLunaSangre

A post shared by La Luna Sangre (@lalunasangreofficial) on

 

“Yung last few remaining days biglang may twist, yun ang dapat natin abangan pero sa pagkakaalam ko magkapatid sila,” kuwento pa ni Richard.

Pagkatapos ang La Luna Sangre, itutuloy na daw ni Richard ang pelikulang pagsasamahan nila ni Angel Locsin kasama si Angelica Panganiban.