Magpapa-sexy na nga ba si JM De Guzman?

JM De Guzman, handa na ba sa mas mature na image?

Magpapa-sexy na nga ba si JM De Guzman?-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/21/2018 10:16 AM
Magpapa-sexy na nga ba si JM De Guzman?

 

Sa Push Now Na, natanong kung magpapasexy na nga ba si JM De Guzman sa pagbabalik telebisyon niya sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi? Kahit na sexy ang brand ng PHR, ani JM ay hindi naman ito tungkol talaga sa paghuhubad. “Yun nga e medyo dun ako kinakabahan. Hindi naman focus yung hubad-hubad, yung sensuality nung love, yung passion na sine-share nila. Mas yun.”

Nagkwento din si JM tungkol sa makakatambal niya dito na si Barbie Imperial. “Sobrang dali niyang makakonek, humble sobra. Hindi siya selfish actor, parang makakapaglaro ka.”


Nang tanungin si JM kung “bumusina” siya sa kaibigang Paul Salas bilang respeto dahil sa rumored girlfriend ni Paul si Barbie, tumango naman si JM at sinabing oo. Dagdag pa niya, “E promise ko naman na magpapaka-professional, magpapaka-Kuya ako (kay Barbie.)”