KZ Tandingan, wish na mapanuod siya ng live ng kanyang pamilya sa China

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/21/2018 10:24 AM
KZ Tandingan, wish na mapanuod siya ng live ng kanyang pamilya sa China

 

Patuloy sa pamamayagpag sa Singer 2018 sa China ang kapamilya singer na si KZ Tandingan.

 

KZ TANDINGAN NOW A REGULAR CONTENDER ON CHINA’S “SINGER 2018” @kztandingan will continue to showcase Filipino talent on China’s top-rating show “Singer 2018” as a regular contender, after placing third in the overall ranking of eight contestants in her second episode as a challenger. The Soul Supreme became a regular contender for placing in the top four of the overall rankings after her first two episodes. Her third place finish is her combined ranking -- determined by audience votes -- for her performances in this week's episode and last week’s, where she ranked first. She placed sixth in this week's episode after performing a medley of Mandarin songs. Her journey on #Singer2018 continues next week. Congratulations, KZ! #KZTandingan


A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

 

Si KZ ang unang Pilipino performer na nakapasok sa singing show na ito sa China.

Ayon kay KZ, ibang experience ang pagbabahagi ng kanyang talento sa international audience.
 
“Sobrang grateful na nagkaroon ng opportunity na i-represent ang Pilipinas sa ibang bansa and sobrang icing on the cake na lang yun na makasubok makakuha ng rank one,” sabi pa ni KZ.

Kuwento pa ni KZ na nag-audition siya para maging kinatawan ng Pilipinas sa naturang singing competition.

"Nag-audition ako para sa Asia tapos ayun na, si Jessie J napili. Nakakatuwa yung palagi tinatanong kung ano ang feeling ng natalo [ko siya]. Hindi ko siya iniisip na natalo ko si Jessie J," ani ni KZ.

Ang kanyang idolo na si Jessy J pa ang nagpalakas ng kanyang loob noong una silang magkita nito.

"Yung pagkikita namin right before my performance, naging tulong yun na nagkaroon ng malaking boost ako sa sarili ko. Nabawasan ang kaba ko dahil sa suporta na binigay niya sa akin. Hindi ibig sabihin na nag-rank one ako, I’m better than them," sabi ni KZ.

Bukod sa kanyang idolo, isa din sa kanyang pinaghuhugutan ng inspirasyon ang kanyang pamilya na hangad niya na mapanuod siya ng live sa China.

"Sabi ko, ‘Dad, baka gusto niyo naman sumama ng China. Baka gusto niyo naman ako panoorin bago ako ma-eliminate,’ ganyan-ganyan. Sabi niya, ‘Hindi. Pupunta kami doon kapag grand finals na,’” pahayag ni KZ.

Sa ngayon isa pa din si KZ sa mga paborito ng Chinese audience matapos niyang umawit ng Mandarin song na “The Hurts You Never Knew”.