Erich Gonzales, may panahon pa ba sa love life?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/21/2018 11:13 AM
Erich Gonzales, may panahon pa ba sa love life?

 

“Hashtag Blessed” ngayon ang aktres na si Erich Gonzales para sa sunod-sunod na blessings na kanyang natatanggap ngayon.

Isa kasi si Erich sa mga bida ng bagong pelikula ng Cineko productions at ng Star Cinema na The Significant Others kung saan kasama niya sina Tom Rodriguez at Lovi Poe.


 

 

Kuwento ni Erich sa naganap na red carpet premiere ng kanyang bagong pelikula, looking forward pa daw ang aktres na makatrabaho muli si Lovi kahit na nagkasakitan sila nito sa isang eksena ng sampalan.

 

 

“Of course!” sambit ni Erich 

“Lovi and I are super okay po. Si Tom also first time ko makatrabaho. Sana po hindi po ito ang last and sana po tayo gusto din po natin na maka-experience na makatrabaho yung ibang artista na kahit po na sa ibang network and gusto din po natin na matuto din,” pahayag ni Erich.

Bukod sa The Significant Others, isa din sa pinagkaka-abalahan ni Erich ang late afternoon teleserye na The Blood Sisters kung saan gumaganap siya bilang ang magkakapatid na sina Erika, Carrie, at Agatha.

 

 

Triple daw ang effort na kanilang ginagawa para mapaganda ang bawat eksena.

“Madugo lang, kasi sa isang eksena lang dapat paulit-ulit. Pero tulong-tulong naman sa lahat kaya kayang-kaya po,” paliwanag ni Erich.

Idinaan naman ni Erich sa biro ang sagot sa tanong kung saan siya kumukuha ngayon ng lakas at inspirasyon sa tumitinding mga eksena sa The Blood Sisters.

“Sa mga panahon na midnight na, sa kape at sa tsaa nalang po tayo humuhugot ng pampagising (laughs). Tsaka pisil pisil ng sarili, ‘Gising ka! gising ka!’ (laughs) Yun po,” masayang kuwento ng aktres.

Dahil tatlo ang kanyang karakter, sabi ng aktres na time out daw muna siya sa love life ngayon.

“Nako, tatlo po ang character ko na pino-portray. Makakapaghintay po yan. Saka na po yan, makakapaghintay po ang pag-ibig. Trabaho po muna,” pahayag pa ni Erich.