• Home
  • Fresh Scoops
  • Anthony Taberna addresses controversial comment regarding news about a rape victim

Anthony Taberna addresses controversial comment regarding news about a rape victim

Clarifying that he never meant to blame the victim, ‘Ka Tunying’ apologized for those who got hurt by his comment.

BY GARY ANN LASTRILLA

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

2/21/2018 3:01 PM
Anthony Taberna addresses controversial comment regarding news about a rape victim


 

Following his controversial comment on Umagang Kay Ganda concerning the news about a rape victim last Monday, February 19, Anthony Taberna addressed the issue on the show’s Wednesday episode, February 21. 

Image courtesy: @TheRainBro on twitter

Drawing flak from displeased netizens, ‘Ka Tunying’ clarified that he never meant to blame the victim. 

Mga Kapamilya, noong pong Lunes ay may ibinalita kami tungkol sa isang diez y nueve anyos na babae na nabiktima ng rape ng lalaking nakilala niya sa social media. Dahil ang ganitong insidente po ay hindi unang beses nangyari eh akin pong sinamantala ang pagkakataon na magpaalala sa mga kababaihan na mag-ingat na mapunta sa kaparehong sitwasyon.

Bilang isang ama po, lalo po’t parehong babae ang aking mga anak, batid ko na masama ang ating mundo at nandiyan lang po ang mga kriminal at mga utak kriminal, naghihintay lang po ng kanilang mabibiktima.

Bago po ang news report ‘nung Lunes, lagi ko pong binabanggit dito po sa UKG na walang puwang na mabuhay sa lipunan natin ang mga rapists. Kailanman po ay hindi ko kakampihan ang mga demonyong ito. Ang paninindigan ko pong ito ay batid ng mga araw-araw na sumusubaybay sa UKG. Subalit, alam ko rin na may mga hindi nagustuhan ang aking komento at aking paalala ay ipinalagay na paninisi sa biktima. Hindi po ‘yun ang aking intensyon

Nais ko rin pong sabihin na hindi ko po sinisisi ang biktima sa nangyari. Dapat pong panagutin sa batas ang mga kriminal. Gaya nga po ng aking nabanggit sa naturang segment, dapat pong mabigyan ng hustisya ang sinapit po ng biktima

Concluding his statement, he apologized for those who were hurt by his comments and said that he will be careful next time. 

Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nasaktan sa aking komento at mas magiging maingat po ako sa mga sumusunod na pagkakataon,” he said.