• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla at Alma Moreno, may pag-asa ba na magsama sa isang proyekto?

Zsa Zsa Padilla at Alma Moreno, may pag-asa ba na magsama sa isang proyekto?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/2/2018 10:59 AM
Zsa Zsa Padilla at Alma Moreno, may pag-asa ba na magsama sa isang proyekto?


 

Looking young at fresh na fresh pa din ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla nang nakapanayam ito ng entertainment press para sa kanyang upcoming Valentine show na Beginnings sa February 10 sa Waterfront Hotel sa Cebu City.

Dito, muli umanong ihahandog ni Zsa Zsa ang kanyang timeless hits gaya ng mga awiting “Kahit Na”, “Ikaw Lamang”, “Mambobola”, at “Hiram”.

"I started my career 35 years ago when I was 18. Then I'm 53 na and now I have a show in Cebu. It's a Valentine's Day concert and it's also called Beginnings because ire-rehash namin ang last show ko dahil maganda ang review," ani ni Zsa Zsa.

Sa panayam na ito, binahagi din ng divine diva ang secret ng fit na fit niyang pangangatawan.

 

"Dapat lang. Hindi naman sikreto yun e, we just aim to and we work for it. This is just a few of the professions na medyo kailangan, hindi naman medyo, I mean you don't actually need to be fit but I just want to be fit specially for the show," paliwanag ni Zsa Zsa.

At dahil mauuna naman ang kanyang Valentine show sa mismong araw ng mga puso, ibinahagi din ni Zsa Zsa ang kanilang magiging celebration ng kanyang inspirasyon na si Conrad Onglao.

"I'm going to be in Hong Kong with my valentine, (Why Hong-Kong?) Naisip lang namin na parang hindi na tayo nag-Hong Kong kasi di ba parang Japan na ang favorite place na malapit sa atin?" sabi ni Zsa Zsa.

Bukod sa concert, mainit din na pinag-uusapan ang kanyang naging role bilang si Red Dragon sa hit primetime teleserye na Wildflower.

 

To my Wildflower family, Thank you so much for the love and warmth you have shown me on the set. You have made work easier despite the long hours of taping. Although I was a last-season addition to the show, you all have been supportive, considerate, patient and giving. Sobrang gaan kayong lahat katrabaho! It was great knowing all of you a little better. I admire the time and dedication you all have given this show and it's clear to me now why it has become very successful! Thank you, @rsbdramaunit for making me part of the Wildflower family and for giving me the very iconic role of Helena/Red Dragon. I am forever grateful. I will miss working with all of you! To the fans of Wildflower, thank you for encouraging me to get out of my comfort zone and for inspiring me to work harder to become a better actor. Thank you for the love! Thanks everyone for making me part of this wonderful journey. Until next time....

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

 

Trivia pa ni Zsa Zsa, si Red Dragon na ang pinakamasamang role na kanyang ginampan bilang artista.

"She's salbahe. Siyempre sa soap ko lang magagawa yan na ‘ipapatay yan!’ etcetera etcetera. Lahat ng mga angst mo sa buhay doon mo na ibubuhos lahat kaya sa tunay na buhay hindi na ako nagagalit," saad pa nito.

Hindi din naiwasan na itanong kung bukas ba siya sa posibilidad ng pagsasama nila sa isang proyekto ni Alma Moreno.

"I don't know. If there’s no intrigue to it di ba, why not? We're actors," pahayag pa ni Zsa Zsa.