• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkasunod na araw ngayong linggo magaganap ang solo concerts nina Maymay at Kisses.

Maymay Entrata at Kisses Delavin, sino ang hihirangin na ‘Concert Princess?’

Magkasunod na araw ngayong linggo magaganap ang solo concerts nina Maymay at Kisses.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/19/2018 04:50 PM
Maymay Entrata at Kisses Delavin, sino ang hihirangin na ‘Concert Princess?’
Photo credit: @kissesdelavin on IG

 

Magkahalong kaba at excitement ngayon ang nararamdaman ng dalawang former teen housemates ng Pinoy Big Brother na sina Kisses Delavin at Maymay Entrata, na kapwa magkakaroon ng kanilang sariling mga concert. 

Una na dito si Maymay, na ibabahagi ang kanyang mga awitin sa The Dream Maymay In Concert na gaganapin sa February 23 sa Kia Theater. 


 

Ayon kay Maymay mas lalo na siyang kinakabahan ngayong papalapit na ang kanyang maituturing na first major concert.

"Excited ako, pero kahit kinakabahan go, go lang," masayang pahayag ni Maymay.  

Grateful naman si Kisses, na magdaraos din ng kanyang first major concert na Confidently Kisses sa February 24 na magaganap sa Kia Theater din. 

 

“Excited and grateful kasi napakalaking opportunity sa amin ito as newbies in show business so we are going do our best,” ani pa ni Kisses. 

Dahil first major concert nila ito, aminado ang dalawa na puspusan na ang kanilang paghahanda para sa kanilang big day.

“Oo, talagang sumasanib na ang iba't ibang spirits! Haha!” pagbibirong kuwento ni Maymay tungkol sa kanyang rehearsals.

Si Kisses naman mas pinagtutuunan daw ngayon ng oras ang kanyang mga pasabog na dance number.

“I'm doing my best every time kasi I need much more practice than anybody, as you know dancing is not my thing so I need to practice double time,” sabi pa ni Kisses. 

Dahil back-to-back concert ang concert ng magkaibigan, nagbigay pahayag naman sila sa mga pilit na pinaglalaban sila sa isa't isa.

Para kay Kisses alam daw nilang dalawa ni Maymay kung ano ang totoo sa kanilang relasyon bilang magkaibigan. 

 

"Hindi na lang po kami nagpapa-affect, basta what's the truth about our friendship yun po ang tinatandaan namin and we do not just listen to what everybody has to say,"  pahayag pa ni Kisses. 

Si Maymay naman mas piniling idaan sa biro ang sagot sa tanong ng comparison sa kanilang dalawa.

"Ganun talaga, maputi siya, ako hindi ako maputi (laughs). Parang ganun lang," masayang pahayag ni Maymay.