• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez nanghihinayang na di makakasama sa anniversary concert ni Sarah Geronimo
Regine Velasquez nanghihinayang na di makakasama sa anniversary concert ni Sarah Geronimo
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

2/18/2018 12:11 PM
Regine Velasquez nanghihinayang na di makakasama sa anniversary concert ni Sarah Geronimo


 

Isa si Asia’s Songbird Regine Velasquez na kilalang malapit kay Popstar Royalty Sarah Geronimo na magdiriwang na ng kanyang 15th year anniversary in the business.

 

 

Kaya naman simula nang i-anunsyo ng This Is Me Concert producer at ni Sarah sa kanilang mga social media accounts ang detalye ng concert, aminado si Regine na nakaramdam siya ng panghihinayang para dito.

 

 

Ayon kasi kay Songbird, nagkaroon ng conflict ang schedule niya sa araw mismo ng concert ni Sarah na April 14, 2018 sa Araneta Coliseum.

"I feel sad nga that I won't be able to be there. I'm part of it (Sarah's career) di ba since the beginning? I feel bad that I won't be able to," pahayag ni Regine sa naging press conference #paMORE.

 

 

Paliwanag pa ni Songbird, gustong-gusto niya na maging parte ng milestone ni Sarah G na isa sa maituturing niyang isa sa kanyang anak-anakan sa industriya simula itanghal itong Grand Champion sa kanyang singing show na Star for a Night noong 2003.

 

"I really want to, kaya lang mayroon akong conflict sa schedule and last year pa kasi yun," sabi pa ni Regine.