Marion Aunor ibinahagi ang kasiyahan para kay Leila Alcasid

Marion Aunor ibinahagi ang kasiyahan para kay Leila Alcasid-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/18/2018 11:59 AM
Marion Aunor ibinahagi ang kasiyahan para kay Leila Alcasid

 

Masaya si Marion Aunor sa paglabas ng first single ni Leila Alcasid na “Completely In Love” na kanyang kinompose.

Ito ang unang awitin ni Leila matapos siyang ipakilala bilang isa sa mga bagong Star Music artists.


Read: Pagpasok sa showbiz ng anak na si Leila Alcasid, iniyakan ni Ogie Alcasid

 

 

Maraming salamat po @starmusicph!!!!!! Very blessed and very thankful to be a part of the family and of OPM. Cannot express my happiness!!!!! Special thanks to Sir @roxy.liquigan, Sir @jonathanmanalo and Sir @roxsantos I love you all!!! To everyone in Star Music for being welcoming and happy and lovely and the best!!! To @marionaunor for being my amazing producer and good friend!!! 💛 My lovely Aussie entourage (lol) @kierstenpap + Chloe 👼🏼👼🏼 To my wonderful Papa/manager @ogiealcasid, to my family @michellevaneimeren @mark.morrow68 @sarah_alcasid @reginevalcasid and everyoneeeee I love 🤗🤗🤗 and finally to the Lord, who never goes unnoticed. 🦋🌸👼🏼💛💡☺️☺️😇 Exciting stuff!!!

A post shared by Leila Alcasid (@leilalcasid) on

 

 

10AM on MOR 👼🏼

A post shared by Leila Alcasid (@leilalcasid) on

 

Aniya, naging close sila ni Leila habang binubuo nila ang unang awitin ng dalaga.

"Nung una, nag-meet kami parang pinag-usapan namin kung ano ba yung gusto niya na mga sound and she mentioned yung musical influences niya and then, parang nag-meet in between kami sa mga sounds namin hanggang sa nakapag conceptualize kami ng isang song," pahayag ni Marion sa contract signing niya sa Viva Artist Agency.

Bukod sa pag-buo ng bagong awitin, nagkaroon din daw ng bonding sila na naging malaking tulong din para kay Marion bilang composer para sa awitin na kanyang ginawa para kay Leila.

 

 

"Ininvite din niya ako sa place niya para mag kuwentuhan kami sa love life niya, sa experiences niya, naging friends na din kami. Hey Leila! (Laughs)" masayang kuwento ni Marion.

Ayon kay pa ni Marion, tiwala din umano siya na magugustuhan ng young audiences at young at heart ang mga awitin ni Leila.

"I enjoyed working with her. And first time ko din mag tackle ng ganun role sa music kaya sana magustuhan ng marami yung single ni Leila na ‘Completely In Love,’" pahayag ni Marion.

Mapapakinggan ang “Completely in Love” ni Leila Alcasid sa Spotify.