2015 Miss USA Olivia Jordan set to return to the Philippines

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/18/2018 12:20 PM
2015 Miss USA Olivia Jordan set to return to the Philippines
Photo Credit to: @theoliviajordan IG

 

Nakatakda ang pagbabalik Pilipinas ni 2015 Miss USA Olivia Jordan para sa isang product endorsement.

 

Sa kanyang social media account, masayang ibinahagi ni Olivia na babalik siya para sa endorsement ng isang denim company.

 

Matatandaan na naka-ilang beses na din nakabalik sa Pilipinas si Olivia noong panahon ng kanyang reign bilang Miss USA.

Una na dito noong maupo siya bilang isa mga judge ng 2016 Binibining Pilipinas kung saan kinoronahan si Maxine Medina.

Nasundan ito nang ganapin dito sa bansa ang 65th Miss Universe pageant.

 

 

Isa din si 2015 Miss USA sa mga kilalang naging BFF ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach.