• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi daw iiwan ni KZ Tandingan ang Pilipinas kahit na manalo siya sa Singer 2018

KZ Tandingan would say ‘yes’ if her boyfriend proposes during ‘Singer 2018’

Hindi daw iiwan ni KZ Tandingan ang Pilipinas kahit na manalo siya sa Singer 2018

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/16/2018 11:17 AM
KZ Tandingan would say ‘yes’ if her boyfriend proposes during ‘Singer 2018’
Photo credit to tjmusicmonterde IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi raw aalis si KZ Tandingan sa Pilipinas kung sakaling manalo siya sa singing competition na Singer 2018 at magkaroon ng career opportunity sa China. “Hindi po. If may trabaho man po ako lilipad ako dun for work but I’ll always come back. Iba po talaga ang Pilipinas.”

On top ngayon si KZ sa nasabing competition sa China na sa ngayon ay meron ng “200 million viewers” ayon kay host Boy Abunda.


Paano naman kaya kung sa kalagitnaan ng kompetisyon ay magpropose sa kanya ang kanyang boyfriend na si TJ Monterde. Ani KZ, “sabihin ko Tito Boy yes.”

Bukod sa suporta ng kanyang boyfriend, todo suporta rin daw kay KZ ang kanyang pamilya. “(They are) always with me kahit hindi physically. Pero every time na nagpe-perform ako sa China Tito Boy nagbi-video call kami. Sabay-sabay kaming nagdadasal.”

Nagpasalamat din si KZ sa lahat ng tumulong sa kanya. “Maraming salamat po sa lahat kala Tita Cory (Vidanes), kina Direk Lauren (Dyogi), sa akin pong management na Cornerstone kasi kung hindi po dahil sa pag-push po sa akin na tumalon sa bangin dun sa napakalaking opportunity na yun na nakakalula, ay hindi po tayo makakasali dun sa Singer 2018.”

Pangako pa niya sa lahat ng fans at taga-suporta niya, “Promise, I will do my best every episode.”