Jona, looking forward sa mga song requests ng fans

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/16/2018 11:03 AM
Jona, looking forward sa mga song requests ng fans


Photo credit to the owner

 

Humahakot ngayon ng papuri at positibong ko­­­mento sa social media ang cover version ni Jona ng sikat na awitin na “Never Enough” mula sa pelikulang The Greatest Showman.

Sa kasalukuyan, mahigit kumulang sa sa 230,000 views na ito sa kanyang YouTube channel.

Ayon kay Jona, hit na hit ang kanyang mga requested song cover sa kanyang mga followers at subscribers sa social media.

"Gusto ko lang po talaga mangyari kasi may mga supporters po ako na nagre-request na, ‘Idol, kantahin mo naman ito,’ ‘Cover mo naman ito,’ ganyan ganyan. Ang tagal ko nag-decide na magkaroon ng YouTube channel so iyun na po," ani ni Jona.

Kuwento pa ni Jona, hindi din daw niya malilimutan ang mga tumatak na comments ng mga netizens.

"Iba-iba po pero happy po ako sa feedback nila na finally ‘Lodi ganyan, may version ka na nito. So nice to hear kahit di ka lumayo masyado sa standard version naramdaman namin,’" saad pa ni Jona.

Isa si Jona sa mga special guest sa Love In Motion concert ni Gary Valenciano kamakailan.

 

 

@garyvalenciano & @jona for a medley of songs! 💃🏻 #GaryVLoveInMotion2018

A post shared by Manila Genesis (@manilagenesis) on

 

Ayon kay Jona, dream come true ito para sa kanya na first time niyang makakasama para sa isang concert stage si Mr. Pure Energy.

Sa ngayon, looking forward si Jona sa mga special request ng kanyang mga followers para sa kanyang magiging next cover song.