• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz prefers non-showbiz suitors for her three daughters
Sunshine Cruz prefers non-showbiz suitors for her three daughters
Sunshine Cruz, bawal ba magka-boyfriend ang mga anak.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

2/14/2018 9:23 AM
Sunshine Cruz prefers non-showbiz suitors for her three daughters

 

Nagdadalaga na ang mga anak na babae ni Sunshine Cruz kaya hindi maiiwasan na magkaroon ang mga ito ng mga manliligaw. Pero nilinaw ni Sunshine na wala pang boyfriend ang panganay niyang si Angeline Isabelle na ngayon ay 16 years old na.

“Wala pang boyfriend. Bawal pa. Sixteen pa lang ang eldest ko, 13 and 12 yung mga kasunod, so my goodness, they are still babies,” tumitiling pahayag ni Sunshine sa PUSH.

Patuloy ng aktres, “Siyempre naman matatanggap natin yon na darating ang panahon na may magkakagusto sa kanila. Pero sabi ko, kung merong may gusto sa kanila, dapat manligaw at pumunta ng bahay at makilala ko, kung talagang maayos ang itensyon.”

Ipinagmamalaki din ni Sunshine na open sa kanya ang mga anak. Hindi raw uso sa kanila ang magtago ng sikreto.

Aniya, “They are very open, open sila sa akin. Yon ang deal namin, eh, nung naging single mom ako, na we have to be honest with each other.

“Whatever you feel, you have to let me know, so that I can explain things to you and vice versa. If someone is courting mommy I’ll let you know, I’ll show you the photos. Ganun kami, so ever since we’ve been open and I think it’s working.”

Papayag ba siya na ligawan ng mga taga-showbiz ang kanyang tatlong dalaga?

“Ayoko!” napapailing pero natatawa niyang sagot.

“Basta naman… not for anything, hindi naman ako choosy, grabe naman, joke lang yon. Pero pag mabuti ang intensyon naman sa mga anak ko tatanggapin naman namin nang maayos. Hind naman tayo bastos, basta maayos lang yung intensyon at dumalaw sa bahay,” sabi pa niya.

Kung papipiliin daw siya ay gusto niya sana na non-showbiz ang manligaw o maging boyfriend ng kanyang mga anak.

“After what I’ve experienced, I think mas okay talaga siguro for now yung non-showbiz para mas normal ang buhay, di ba?” katwiran pa niya.
 
When asked kung affected ba ang mga anak nila kapag nai-involve sa controversy ang ama nilang si Cesar Montano tulad na lang ng alegasyon sa kanya sa nangyari sa Department of Tourism, aniya, “They handle everything well. From everything that has happened to us, sobrang ano sila, kumbaga hinaharap nila with class and dignity ang lahat,” pagtatapos ni Sunshine sa PUSH.