Marion Aunor, nagbigay pahayag sa pagkukumpara sa kanila ni Moira Dela Torre

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/14/2018 12:46 PM
Marion Aunor, nagbigay pahayag sa pagkukumpara sa kanila ni Moira Dela Torre

 

Opisyal na ipinakilala ng Viva Artist Agency ang singer-songwriter na si Marion Aunor bilang kanilang bagong contract artist.

Ayon kay Marion, maayos ang kanyang naging pagpapaalam sa kanyang former management team na Star Magic at Star Music.


 

"Yung sa Star Magic po tapos na po yung contract ko doon and they say na I'm always welcome to come back and everything. Okay naman po. With Star Music naman po I wrote the song of Leila Alcasid and it’s coming out very soon and of course I'm open naman working them," bungad na kuwento ni Marion.

Hindi man masyadong naririnig ang tinig ni Marion, naging abala daw siya noon sa kanyang mga proyekto sa Star Music bilang isang songwriter at sa international label na Tarsier records.

At sa kanyang pagpirma sa Viva, looking forward umano si Marion na ibahagi naman ang kanyang talento bilang isang mang aawit.

"Yun nga what I'm hoping to do with Viva, to put the face to the song and to revive my career locally," sambit ng singer.

Challenge daw agad ang ibinigay sa kanya ng Viva Management.

"My latest single is coming out (Ikaw Parin Ang Pipiliin) this is my very first Tagalog song that I wrote kasi na-challenge ako ni Boss Vic Del Rosario kasi sabi niya eventually kailangan ko din magsulat ng Tagalog songs so ginawa ko na agad," ani ni Marion.

Bukod dito, nagbigay pahayag din si Marion sa mga pagkukumpara sa kanilang musika ng singer na si Moira Dela Torre.

"I don't know. Parang feeling ko naman magka-iba naman yung sound namin. Although she is a friend of mine and I'm so proud of what she accomplished right now. I guess tignan nalang ng tao yung mga bagong songs na lalabas sa akin and mga tao na siguro ang bahala kung similar ba or hindi. I'm just doing my own thing and she's doing her own thing," pahayag pa ni Marion.