• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on ‘magnanakaw’ issue: ‘Marami akong kayang palampasin but not money issues’
Kris Aquino on ‘magnanakaw’ issue: ‘Marami akong kayang palampasin but not money issues’
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

2/14/2018 9:35 AM
Kris Aquino on ‘magnanakaw’ issue: ‘Marami akong kayang palampasin but not money issues’
Photo credit: @krisaquino on IG

 

Nagbabakasyon ngayon sa Amerika si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby pero hindi pa rin siya nakatakas sa intriga. Tungkol sa pera at diumano’y ill-gotten wealth ang isyu na ayaw palampasin ni Kris kaya kahit birthday niya ngayong February 14 ay sinagot niya ito.

Lalong nadismaya si Kris sa akusasyon sa kanya ng netizen na “magnanakaw” siya.

“Marami akong kayang palampasin but not money issues,” message ni Kris sa aming group chat kahit may bad jetlag pa siya sa tagal ng biyahe papuntang US.

Sa kanyang social media account ay idiniin din ni Kris at sinabing galit siya sa mga kasinungalingan. Isinama na rin niya ang ilang ebidensiya para patunayang hindi siya magnanakaw.

“First of all - jetlagging made me scroll through my IG Feed. 2nd I HATE LIES & will do everything to disprove them. 3rd I love doing RESEARCH, and having a company now that specializes on data analytics for client presentations is heaven sent because I can easily point out the lack of factual basis used by this ‘commenter’ who seems to not be making the most of her Ateneo education by using ‘your’ in the possessive form rather than you’re as in YOU ARE w/c would have been correct for her sentence construction...

“I have steadfastly stayed away from political discourse BUT I will never back down when lies will be peddled to question MY integrity especially when it comes to money.

“I have stated this & anybody can check w/ the BIR, from 2007 to 2016 I RESPONSIBLY remitted P361,798,667 in personal income tax. I cannot give you a 2017 figure yet because they are still processing my tax returns.

“I can give you & everyone else reading this, my January 2018 Tax REMITTANCE amounting to P1,843,088 (for December income) and my VAT REMITTANCE January 2018 of P1,510,191.55.

“Before I left I was told to prepare Estimated Taxes for Feb 2018 for January income, in the vicinity of P2,337,000. So it is ILLOGICAL to believe her accusation na ‘yung pera pala NINAKAW LANG’... WHY WILL I CONTINUE PAYING HUGE TAXES kung dati ninakaw ko lang - that means if we did it then, it ‘could’ still be done now.

“BAKIT KO rin NANAKAWIN nuon ANG PERANG NANGGALING MISMO SA BULSA KO??? Eh di sana nag tax evasion na lang ako.

“Lastly - kung talagang ninakaw, bakit ko ipo-post ang ‘ebidensya’ (in this case my trip w/ my sons)... Diba dapat nakatago na, wala ever kayong nakitang luho dahil kung guilty, alam mong dapat di mahahanap, di pwedeng ma trace ang ill gotten wealth.

“Please naman - don’t underestimate the intelligence of Filipinos w/ your #fakenews & outright lies.#TRUTHWINS (you have an attractive face, if you wanted attention- consider it my birthday goodwill of ‘sharing’ my followers w/ you,” post ni Kris.