Joanna Ampil: 'Naiintindihan ko naman kung bakit hindi matunog ang pangalan ko dito'

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/14/2018 12:58 PM
Joanna Ampil: 'Naiintindihan ko naman kung bakit hindi matunog ang pangalan ko dito'

 

Balik Pilipinas ngayon ang theater actress na si Joanna Ampil para sa kanyang concert ngayong Valentine's Day na Love Wins.

 

Isa si Joanna sa mga kilalang theater performer sa touring company na Cats musical bilang si Grizabella.

 

#LoveWins #BGCArtsCenter #JoannaAmpilLoveWins

A post shared by Joanna Ampil (@joampil) on

 

Mas lalong nagningning si Joanna sa kanyang role sa movie adaptation ng Ang Larawan kung saan itinanghal siya bilang Best Actress sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ngayong araw ng mga puso, alay ni Joanna ang isang concert kung saan makakasama niya sina Arman Ferrer, Joaquin Valdez, at Mark Bautista.

Ayon kay Joanna, ibang saya ang kanyang nararamdaman ngayon na muli siyang aawit para sa kanyang mga kababayan matapos ang mahabang panahon.

"I've done shows in the past pero hindi Valentine's Day. And I'm excited to showcase my songs, and maybe in love din siguro ako ngayon (laughs). That's why," masayang pahayag ni Joanna.

Sa matagal na pamamalagi ni Joanna sa ibang bansa para sa iba't ibang theater performances, aminado siya na tanggap niya ang pagkalimot sa kanya ng kanyang mga kababayan.

"Naiintindihan ko naman kasi matagal din naman akong nawala and I've spent my whole theater life abroad," sabi pa ni Joanna.

"So naiintindihan ko naman kung bakit hindi talaga matunog ang pangalan ko dito. Pero nagpapasalamat ako sa Ang Larawan dahil binigyan ako ng chance to showcase my abilities and I made best actress so finally nakapag-contribute din ako in my own country," paliwanag pa nito.

Matapos ang 2017 MMFF, looking forward ngayon si Joanna sa mga posibleng TV appearance niya.

"I'm hoping na may teleserye or TV projects. I know I'm filming for something for the next few days but that's it for now and I'm continuing with Cats in China. We'll see. I'm open [to] what’s coming my way."