• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia nagkuwento tungkol sa bakasyon sa Hawaii kasama ng mga kaibigan
Coleen Garcia nagkuwento tungkol sa bakasyon sa Hawaii kasama ng mga kaibigan
BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

2/14/2018 9:31 AM
Coleen Garcia nagkuwento tungkol sa bakasyon sa Hawaii kasama ng mga kaibigan
Photo credit: @coleen on IG (R)

 

Present sa naganap na media launch ng bagong pelikula ng Star Cinema at Viva Films na Sin Island ang mga bida nito na sila Xian Lim, Coleen Garcia, Nathalie Hart.

Sa panayam na ito, ibinahagi ni Coleen kung ano ang naganap sa limang araw na bakasyon niya sa Hawaii kasama ang ilan sa malalapit niyang kaibigan.

Ayon kay Coleen, bahagi na din daw ito ng paghahanda sa nalalapit niyang kasal kay Billy Crawford.

"Sobrang saya. We were just there for five days [pero] parang pakiramdam namin nandoon kami for two weeks sa dami ng ginawa namin. Mas na feel ko na malapit na talaga ang kasal," sabi ni Coleen.

Ipinaliwanag din ni Coleen kung bakit “#AlohaGarcia” ang napili niyang hashtag para sa limang araw nilang bakasyon.

"Kasi aloha means both hello and goodbye so kumbaga goodbye to Miss Garcia na and hello to Mrs. Crawford (laughs)," kuwento ni Coleen.

Masayang-masaya din daw ang future Mrs. Crawford dahil ang malalapit na tao sa kanya mula noon hanggang ngayon ang kasama niya sa bakasyon para mag-enjoy sa huling mga araw bago ang kanyang kasal.

"Yung entourage ko for my wedding it's really made up of people who I've known since nasa high school, grade school pa lang ako and are very dear to me," pahayag ni Coleen.

Welcome din daw kay Coleen at Billy kung bibigyan na sila agad ng anak pero mas gusto muna daw nila i-enjoy ang isa't isa bilang bagong husband and wife.