• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Music artist Brian Gazmen may plano bang ligawan si Kisses Delavin?
Star Music artist Brian Gazmen may plano bang ligawan si Kisses Delavin?
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

2/13/2018 12:51 PM
Star Music artist Brian Gazmen may plano bang ligawan si Kisses Delavin?
Photo credit: @kissesdelavin IG (R)

 

Aminado ang rising singer na si Brian Gazmen na isa siya sa mga humahanga sa kapamilya young star na si Kisses Delavin.

Isa si Brian sa mga bagong ipinakilala ng Star Music bilang contract artist. Si Brian ang boses sa likod ng awitin na “Ayoko Nang Makarinig ng Love Song” na nilikha ng composer na si Joven Tan.

Sa naging panayam na ito binata sa katatapos lang na Tinagba Festival kung saan siya nag-perform kasama ang ilang kapamilya artist, inamin niya ang kanyang labis na paghanga para kay Kisses Delavin.

 

"Nag-meet po kami sa debut po ni Heaven (Peralejo). Doon po nagkakilala po kami ni Kisses. Mabait po, napakatotoong tao po niya na nagustuhan ko po bilang isang tagahanga," ani pa ng young singer.

 

Kuwento pa ni Brian, bilang taga-suporta ay isa siya sa mga unang bumili ng concert ticket ni Kisses na Confidently Kisses na magaganap ngayong February 24 sa Kia Theater.

Naitanong tuloy sa binata kung may plano ba siyang ituloy ito sa panliligaw.

"Sa ngayon po, humahanga po ako pero hindi ko po masabi," pag-amin ni Brian.

"Special po sa akin bilang isang admirer at bilang isang tagahanga lang po," paliwanag pa ng binata.

Deadma lang din daw kung iisipin ng mga tao na ginagamit niya si Kisses para sumikat.

"Hindi naman po. Para po kasi sa akin humahanga lang po ako sa totoong tao at doon po ako sumusuporta sa totoong tao po," paglilinaw ng binate].

Sa ngayon, abala si Bryan sa pag-promote ng kanyang single na “Ayoko Nang Makarinig ng Love Song” bago ang release ng kanyang first album.