Nathalie Hart, 'naloloka' sa tunay niyang pangalan
Sinabi ng Sin Island star na hindi bagay sa kanya ang kanyang tunay na pangalan.
BY PUSH TEAM
2/13/2018 4:41 PM
Nathalie Hart, 'naloloka' sa tunay niyang pangalan

 

Hindi alam ng karamihan na 2008 pa lang ay nai-launch na bilang artista si Nathalie Hart, isa sa mga bida ng bagong pelikula ng Star Cinema na "Sin Island." 

Marahil ay dahil ang totoo niyang pangalan ang ginamit niya na Kristina Snell bilang miyembro ng Star Magic Batch 16. 

'Medyo' mahaba ang tunay na pangalan ni Nathalie na Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell, kaya't noong sumali naman siya sa Starstruck 2009 ang ginamit na niyang pangalan ay Princess Snell.  

“Nakakaloka!" ang nasabi lang ni Nathalie sa interview ng ABS-CBN News tungkol sa kanyang birth name. "It's just not really nice when you're getting old, and your name is still Disneyland!"

Dahil na din sa tinahak na daan ng kanyang showbiz career, nagpasiya na siyang gamitin ang 'Nathalie Hart' bilang kanyang screen name. Nagrereflect na daw ngayon ang kanyang pangalan sa kanyang perspective sa buhay. 

“Ngayon, it's not just about money anymore; it's about my career. When you have a career, hindi naman palaging pera ang pinag-uusapan diyan, e -- pati 'yung pag-progress ng career mo, 'yung pangalan mo,” she said.

Sa ngayon, umaasa si Nathalie na sana maalala na ng mga tao ang kanyang pangalan sa larangan ng pag-arte.