Ellen Adarna, may mensahe para sa mga hindi maka-move on
May pinaparinigan nga ba si Ellen sa kanyang IG post?
BY PUSH TEAM
2/13/2018 5:08 PM
Ellen Adarna, may mensahe para sa mga hindi maka-move on
Photo credit: @maria.elena.adarna IG

 

May pinaririnigan nga ba si Ellen Adarna sa kanyang Instagram post?

Ibinahagi ng aktres ang isang eksena mula sa pelikulang ‘Meet Joe Black’ sa kanyang Instagram stories. Partikular niyang kinuhanan ang eksena kung saan tinanong ng bidang si Anthony Hopkins si Brad Pitt ng “It’s hard to let go, isn’t it?”

Sumagot naman si Brad, “Yes, it is, Bill,” na siyang karakter ni Anthony.

“Well, that’s life,” sagot nito pabalik.

Kasunod ito matapos magpainterview si Angelica Panganiban na siyang “ex” ng kasalukuyan niyang karelasyon na si John Lloyd Cruz.

READ: Angelica Panganiban comments on ex-boyfriend: ‘Di naman to gwapo’

Ani ni Angelica, mayroon siyang naging “ex” na wala silang naging formal break-up. “Yung pinakamalala yung ‘di ka brineakan tapos ikaw parang, ha? Akala ko tayo? Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap.”

Tila nagbigay ng clue si Angelica sa katauhan ng “ex” niya nang sabihing, “Mukhang may signal naman siya kasi may mga videos na lumabas na nasa island sila, sumasayaw sila, mga bangag sila. So sabi ko sila na siguro, ‘di lang ako na-inform.”