Arci Muñoz, may plano na bang magpakasal?
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

2/13/2018 12:46 PM
Arci Muñoz, may plano na bang magpakasal?
Photo credit: @ramonathornes on IG (R)

 

Blooming at masayang masaya ang kapamilya star na si Arci Muñoz nang nakapanayam ito ng entertainment press sa kanyang pag-bisita sa Tinagba Festival ng Iriga City.

Dito masayang ikinuwento ni Arci ang estado ng kanyang puso ngayon kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

 

#grimreaper ng pinas! Haha pwede naman mag iba ng pose #oppa 🎄😋

A post shared by Arci Munoz (@ramonathornes) on

 

"Okay, mas masaya," masayang bungad ni Arci.

 

"Parang ngayon ko lang kasi na-compare na 'Hala ganun pala ako dati.' Parang kung paano niya ako mahalin ngayon, ganun ako magmahal sa mga naging ex ko (Laughs). Eh parang ngayon mas feel ko na girl na girl ako," masayang kuwento pa ni Arci.

 

Sa kabila umano ng mga heartaches na kanyang napagdaanan, thankful din daw ai Arci sa Panginoon na naging sandigan niya noong panahon na siya ay nalulungkot.

 

 

"Ang galing talaga ni Lord, parang gagawa talaga siya ng paraan para maging masaya ka," sabi pa ni Arci

Nang tanungin naman ang aktres kung pumapasok na ba sa isip niya ang pages-settle down, aniya, "29 na ako ngayon. Ayaw ko naman ma pressure pero pine-pressure ako ng mga tao (laughs). Hindi ko masabi talaga," saad pa ni Arci.

Sa nalalapit na Valentine's Day, no plans daw muna sina Arci at ang kanyang boyfriend dahil death anniversary din ng kanyang mahal na tatay.

"May work kami, may taping kami. Pero death anniversary ng dad ko yun (February 13) e so hindi siguro. Second year na ng dad ko, parang hindi din naman talaga ako masyado (lumalabas) nung buhay pa si dad ko. Parang may araw for them and may araw kung may boyfriend ako. Siguro after na lang ng Valentine's, simpleng dinner mga ganun," pahayag ni Arci.

Sa ngayon abala si Arci sa taping ng upcoming kapamilya romantic comedy teleserye na may working title na Walang Ordinary Love kasama si Empoy Marquez, Alessandra de Rossi, at Piolo Pascual.