• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinalo ni Direk Perci Intalan ang directing duties ng “My Fairy Tail Love Story” mula kay Jun Lana.

Perci Intalan, walang reklamo kina Janella Salvador at Elmo Magalona: ‘Very committed sila’

Sinalo ni Direk Perci Intalan ang directing duties ng “My Fairy Tail Love Story” mula kay Jun Lana.

Perci Intalan, walang reklamo kina Janella Salvador at Elmo Magalona: ‘Very committed sila’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/12/2018 10:15 AM
Perci Intalan, walang reklamo kina Janella Salvador at Elmo Magalona: ‘Very committed sila’

 

Hindi nahirapan si Direk Perci Intalan na saluhin mula kay Direk Jun Lana ang pelikulang My Fairy Tail Love Story, na showing na on Feb. 14 starring Janella Salvador at Elmo Magalona.

“Nung nagsusyut na ito sa Zambales with Jun sumama ako kaya medyo alam ko yon. Saka nung ginagawa yung script nito last year ako yung ka-brainstorm ni Jun, eh.


“Kasi sabi niya, gusto niya talagang gumawa ng sirena na movie tapos gusto niya mala-Disney. Eh, di ba do’n ako dati nagtrabaho, so ako yung parang nagbigay ng suggestions. Kaya nung finally nagkakaproblema sa schedules at may danger na hindi pa matuluy-tuloy, nung nag-usap na kami na ako ang sasalo, parang mas madali dahil kabisado ko na yung material,” kuwento sa PUSH ni Direk Perci.

Ayon pa sa director ng My Fairy Tail Love Story, wala sa plano niya na lagyan at haluan ng konting musical ang pelikula.

“Nung nag-take over ako, may isang scene na pinalitan ko kasi yung song narinig ko, merong fan si Janella na nag-suggest sa Twitter na nag-suggest ng kanta. Pinakinggan ko, nagustuhan ko sobra yung kanta, yung Be My Fairytale, so dinifend ko kay Roselle (Monteverde) kasi hindi pa sikat yung kanta, eh, although kay Moira (Latore) yan, ha.

“Nagustuhan naman ni Roselle, so in-adjust na namin yung mga eksena kaya nagkaroon ng musical na part pero wala siya don sa original, mga 20 percent lang naman ng movie yung musical,” paliwanag pa ng director.
Habang katrabaho ni Direk Perci ang Elnella ay nakita raw niya sa dalawa kung gaano sila ka-dedicated sa kanilang trabaho.

“Alam mo, ang committed nila. Pag napanood niyo yung pelikula, may isang eksena don, makikita nyo yon don sa underwater, eh. Kasi ang lalim ng sisid ni Janella. Wala siyang takot na… hanggang sa ilalim.

“Si Elmo naman, the whole na si Janella ay nagsisirena, so si Elmo kailangan mo ring pahubadin di ba, pero wala siyang problem.

“Si Elmo nag-training din siya, so wala namang… Ang test ko sa kanya is nung ano, eh, nung nasa gitna kami ng tubig, pwede silang bumalik sa boat kasi matatagalan, so instead of bumalik, naka-floater lang sila don. Nando’n lang sila, lumulutang-lutang don, nakababad.

“Kaya nga nangitim si Janella at Elmo, eh, to the point na may isa kaming shoot na hindi namin alam kung paano itatawid kasi nag-iiba yung kulay nila. Very committed silang dalawa at walang kiyeme. Wala ring CR do’n, ha. Kung sa iba yon, alam mo na, di ba?” pagmamalaki ng director sa attitude nina Janella at Elmo.

Kasama rin sa My Fairy Tail Love Story sina Kiray Celis, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, Dimples Romana at Kiko Estrada na gaganap na karibal ni Elmo kay Janella.