• Home
  • Fresh Scoops
  • Paul Salas may naramdaman bang selos sa bagong ka-love team ni Barbie Imperial na si JM De Guzman?
Paul Salas may naramdaman bang selos sa bagong ka-love team ni Barbie Imperial na si JM De Guzman?
Sinabi ni Paul Salas na masaya siya at mayroon nang big break si Barbie Imperial.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

2/12/2018 7:55 AM
Paul Salas may naramdaman bang selos sa bagong ka-love team ni Barbie Imperial na si JM De Guzman?

 

No issue at all daw para sa young actor na si Paul Salas ang pakikipag team up ng kanyang special someone na si Barbie Imperial sa nagbabalik teleserye na si JM De Guzman.

Si JM at Barbie ang bagong team-up na aabangan sa upcoming kapamilya show na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

Sa naging panayam na ito kay Paul sa Tinagba Festival sa Iriga City, kung saan siya nakisaya kasama ang ilang Kapamilya stars, sinabi niyang big break ang role na ito para kay Barbie.

"Wala, Hindi issue sa akin ang Ganyan basta masaya ako para kay Barbie. Big break to sabi ko sa kanya ingatan niya at galingan niya,” kwento ni Paul.

"Okay naman kami, masaya ako sa kanya may bago siyang project busy busy na siya so support ako sa kanya," dagdag pa ng young actor.

Tiwala din daw si Paul sa kanyang Kuya JM na maalagaan nito si Barbie na baguhan sa pagiging leading lady.

"Si Kuya JM naman kasama ko na yan sa Mula Sa Puso pa lang. May pinagsamahan na kami niyan at napakabait na kuya sa akin noon pa lang at alam ko naman maalagaan niya si Barbie at magiging okay siyang ka-love team," sambit pa ni Paul.

Ayon pa kay Paul, wala din daw siyang selos na nararamdaman dahil alam niya na trabaho lamang ito.

"Special siya sa akin (Barbie) pero trabaho naman to eh, Hindi naman pwede magpaapekto sa trabaho siyempre lalo lang kami masira kung ganun."

At dahil mag-uumpisa na ang taping ni Barbie, aminado si Paul na pati ang kanilang Valentine's Day plan ay kailangan i-adjust.

"Yun nga e, mag-taping siya this Valentine's Day pero baka mag-celebrate nalang kami on Monday or Tuesday. Dinner and movie lang wala pa din makakatalo sa ganung klaseng date," pagtatapos na kwento ni Paul.