• Home
  • Fresh Scoops
  • How did mangoes and bagoong make Maxene Magalona and Rob Mananquil fall for each other?
How did mangoes and bagoong make Maxene Magalona and Rob Mananquil fall for each other?
Max and Rob recount the first time they saw each other, their first date and how mangga’t bagoong brought them closer.
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

2/12/2018 8:33 AM
How did mangoes and bagoong make Maxene Magalona and Rob Mananquil fall for each other?


Photo credit: @maxenemagalona IG

 

Sa Rated K, paano nga ba nagsimula ang romance ng newly wed couple na sina Maxene Magalona at Rob Mananquil? Ani Maxene, una niyang nakita si Rob na nagpe-perform kasama ng kanyang banda at noon pa lang nagka-crush na siya kay Rob. “Sino to? Talagang I was intrigued. Parang siyang scene sa movie na may spotlight with the music so beautifully playing and the way he plays his music, passionate.” 

Nakita din pala noon ni Rob si Maxene. “The night that I played. I saw her parang movie, nag-slow mo.” 

Matapos ang eight months, in-add diumano ni Rob si Maxene sa Facebook at nagkalapit sila dahil sa mangga at bagoong. Nag-status diumano si Max na, “going home to indian mangoes and spicy bagoong after a long day of work is the best feeling in the world.” 

Matapos nito nagtanong daw si Rob kay Max kung saan makakabili ng indian mangoes dahil, “I love indian mango and bagoong when I was studying in UP.” 

Sa first date naman daw niyaya ni Rob na magkape sila ni Max. Kaya daw coffee dahil, “I want to stay awake with her.” 

Si Max naman ay bumili ng three different outfits at nagtanong sa mga kapatid kung ano ang magandang isuot para sa first date nila ni Rob. Ayon pa kay Max, napatitig siya kay Rob sa una nilang date at, “for the first five minutes I texted my sister, I think mahal ko na siya.” 

Valentine’s day sa Tokyo last year nang magpropose si Rob kay Max at sinabi niya kay Max ang katagang, “Baby, I love you so much will you ride the rollercoaster of life with me?"

Nagpakasal si Rob and Maxene last January  11  sa isla ng Boracay.