• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano daw ang mamahaling bagay na binigay ni KC Concepcion kay Darla Sauler?

Ano daw ang mamahaling bagay na binigay ni KC Concepcion kay Darla Sauler?

KC Concepcion talks about boyfriend Aly Borromeo, reveals what luxury item she gave Darla Sauler.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

2/1/2018 11:14 AM
Ano daw ang mamahaling bagay na binigay ni KC Concepcion kay Darla Sauler?


 

Sa Push Now Na, nagbigay ng pahayag si KC Concepcion tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Aly Borromeo. “Aly and I have always been super, super close. No matter what happens sa mga buhay namin close kami.”

Okay kaya sila? Sagot ni KC, “Yes. Super. Busy ako ngayon, siya rin nagpapaka-busy and kailangan kasi pareho ang priorities ng dalawang tao ‘di ba? So kung for the rest of the year pareho yung priorities namin, magwo-work.”

Kinwento rin ni host Darla Sauler ang pagbigay sa kanya ni KC ng kanyang very first expensive bag. “Ang first na mamahaling bag ko ay galing kay Kristina, kay KC. Di ko malilimutan yun kasi tinapon nila ang bag ko sa basurahan at pinalitan ng limited edition na Louis Vuitton.”

Dagdag niya, “Basta may kacheapan akong bag nun, pagdating ko sa dressing room nasa basurahan. Pero ang kapalit limited edition na Louis Vuitton. Hinand carry nila yun from abroad.”

Ayon naman kay KC, “Kasi hindi na bagay sa’yo yung luma mong bag sa red lipstick (mo.)”