• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘The Show Must Go On’: Tirso Cruz III patuloy ang buhay matapos ang pagpanaw ng anak

‘The Show Must Go On’: Tirso Cruz III patuloy ang buhay matapos ang pagpanaw ng anak

Balik trabaho agad si Tirso Cruz III at nagpro-promote na ng kanyang pelikulang ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’ na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/9/2018 8:51 AM
‘The Show Must Go On’: Tirso Cruz III patuloy ang buhay matapos ang pagpanaw ng anak


“The Show Must Go On.” Ito ang pahayag ng beteranong aktor na si Tirso Cruz III sa naging media conference ng 2018 Metro Manila Film Festival movie entry na  Jak Em Popoy: The Puliscredibles.

Matatandaan na sariwa pa para kay Tirso  Cruz ang naging pagpanaw ng anak na si TeeJay Cruz dahil sa sakit na cancer.

READ: JUST IN: Tirso Cruz III’s eldest son Teejay passes away at 37

“I’m coping with the situation, sabi nga nila sa showbiz, the show must go on no matter what. Dumarating ang mga tao para pagserbisyuhan natin ng magandang pelikula,” bungad ng beteranong aktor.

Bilang artista , nais muna niya na ihiwalay ang personal at ang professional life sa kabila ng kanyang pinagdadaanan

“Ito ang panahon na manunuod ang mga tao, para ma-entertain, makapanuod ng magandang pelikula kaya dapat (bilang artista) naihihiwalay namin ang personal namin doon sa trabaho namin,” ani aktor.

“Pag trabaho, trabaho. ‘Yung personal will come later and alam ko naman na likas sa atin na kapag may pinagdadanan ang tao, nauunawan nila ‘yun bagkus kami naman mga artista, ang tungkulin namin ibigay ang tungkulin namin, ibigay kung ano ang inaasahan ng mga tao,” paliwanag pa niya.

Malaking hamon man ang pinagdadaanan ng kanyang pamilya ngayong Pasko, tuloy pa din ang pagpapasaya ng beteranong para sa MMFF.

“Nagpapasalamat ako dahil natutunan ko sa kapwa ko artista, kapag may pinagdadaanan ka na mabigat, sarilinin mo muna at paglingkuran mo muna ang nagbigay sa ‘yo ng trabaho mo at tungkulin mo bilang artista,” pahayag pa ni Tirso.

Sa darating na Pasko, mapapanuod na ang Jak Em Popoy: The Puliscredibles at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.