• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, naghahanda na para sa mga pasabog sa 'Ngayon at Kailanman'

Julia Barretto, naghahanda na para sa mga pasabog sa 'Ngayon at Kailanman'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/9/2018 8:56 AM
Julia Barretto, naghahanda na para sa mga pasabog sa 'Ngayon at Kailanman'


Photo credit to: @garciajoshuae IG

Patindi na ng patindi ang mga eksena tuwing gabi sa teleseryeng Ngayon at Kailanman, na pinagbibidahan nila Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sa pinaka bagong teaser na ipinakita, kumapit na at huwag bibitiw sa panonood gabi-gabi, ito rin ang paalala ni Julia nang bisitahin natin siya sa set ng drama.

“May makukulong, may mamamatay may magbabago ang buhay, may magbabayad sa mga kasalanan. Feeling ko mga next week, sunod-sunod na ang pasabog at feeling ko ito na ang pinaka hinihintay ng viewers ng Ngayon at Kailanman.,” excited na kuwento ni Julia.

At ang katanungan ng lahat ay kung ikakasal na ba ang characters ng Joshlia na si Eva at Ino sa dulo.

“Huh? (smiles) Gusto ko na rin nga eh! Pero siyempre kailangan ano muna, forbidden love kasi kami ngayon ni Ino eh!” sagot ni Julia.

At dahil magpa-Pasko na, plantsado na din ang holiday plans ng Joshlia na pinili munang magkanya-kanya.

“This year we chose to spend it with our families and of course si Josh siyempre he has to soend the holidays with his family. Siyempre baka ika-tampo naman nila di ba? So I'll be away, Joshua will be in his hometown pero we are celebrating muna,” sabi pa ni Julia.

Sa ngayon, naghahanda na para sa espesyal na Pamaskong regalo sina Joshua at Julia para sa mga manonood ng Ngayon at Kailanman.