Former Actress Alona Alegre passes away at 70

Isa si Alona Alegre sa mga kilalang sexy actresses ng 70s.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/9/2018 11:20 AM
Former Actress Alona Alegre passes away at 70


Photo credit to: edgarebro.blogspot.com

Pumanaw na sa edad na 70 anyos ang dating sexy actress na si Maria Lourdes Salvador o mas kilala bilang si Alona Alegre.

Si Alona Alegre ang bida sa mga pelikulang “Kung Bakit Dugo ang Kulay ng Gabi," “Sa Bawat Pintig ng Puso” at “Hello Lover, Goodbye Friend."

Isa din ang beteranang aktres sa maituturing na pinakamagandang dalaga noong dekada 70 na labis na kinagigiliwan ng mga kalalakihan at pati na din ng mga kababaihan.

Sa ngayon, hindi pa tiyak ang detalye kung saan ilalagak ang mga labi ni Alona Alegre na isa sa mga malapit na kamag-anak ng aktor na si Philip Salvador.