Bakit espesyal ang magiging Pasko ni JC Santos ngayon?

JC Santos excited nang bumalik at magpasko sa bagong sariling bahay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/9/2018 9:31 AM
Bakit espesyal ang magiging Pasko ni JC Santos ngayon?


Photo credit to: @j.c.santos IG

Excited na excited na si JC Santos na mag-Pasko kasama ang pamilya sa kanyang hometown sa Pampanga. Bukod kasi sa makakasama niya muli ang pamilya matapos ang maraming nagdaang Pasko, may sarili na siyang bahay sa naturang lugar.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🏊🏼‍♂️

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

 

“After namin ng shoot dito (Motel Acacia), I’m just going to go back to Pampanga to spend Christmas. Kasi nagpagawa na ako ng bahay ko, nang sarili ko. So puwede na akong mag-Christmas doon,” pahayag ni JC Santos sa interview ng PUSH.

Ayon sa actor, bihira lang na makasama niya ang pamilya tuwing Pasko, kaya magiging espesyal ito ngayon. “Parang kasing laging hindi kami magkakasama e. So this time gusto ko mag-set ng something really special with them,” sabi ni JC.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wearing @tomsphilippines for today’s Press Conference of #MOTELACACIA. #OneForOne #TOMS . . styled by @iwannabby

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

 

Dagdag ng aktor, ang kanyang bagong bahay ang inspirasyon niya ngayon. “Etong pinapagawa kong bahay ngayon. So far yun yung inspiration ko kasi, first time ko magkakaroon ng sariling address. Hindi na ako pakalat-kalat as a person. At excited ako sa mga nangyayari, like yun nga first Christmas na magsta-stay kami. Plano ko ngang tumira na do’n eventually,” kuwento ng aktor.

Samantala, nang tanungin naman kung sinong espesyal na Kapamilya artist ang kanyang reregaluhan ngayong Pasko, masayang sagot ni JC. “Gusto kong bigyan ng isa pang relo si Wacky Kiray. Wala e favorite ko yun e.

“And hindi ko pa alam, baka may gift ako kay Bela (Padilla). Hindi ko pa siya nakikita e miss ko na siya e,” natatawang sagot ni JC na tila ay kinikilig.

 

 

Sa ngayon ay patuloy ang shooting ni JC Santos para sa kanyang international film debut na Motel Acacia. Kasama si Agot Isidro at iba pang foreign actors, lilipad papuntang Slovenia ang cast members sa February, sa pagkukumpleto ng pelikula.