Anne Curtis, pressured nga ba sa MMFF movie?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/9/2018 9:24 AM
Anne Curtis, pressured nga ba sa MMFF movie?


Handa na para manakot ngayong darating na Pasko ang TV host-actress na si Anne Curtis para sa pelikulang Aurora na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Inilarawan ni Anne bilang elevated horror story ang kanyang pelikula.

“I love horror films. I love The Sixth Sense. I love The Others. Ganyan ‘yung mga bet ko and actually it’s so funny kasi while we were shooting the film tinatanong ko kay direk bakit hindi pa sumisigaw ang character ko kasi horror ‘yun pala ibang horror experience ang ibibigay namin for this horror movie,” bungad niya sa grand media conference ng MMFF movie.

Dahil solo na gaganap sa pelikula si Anne, naniniwala din ang aktres na magugustuhan ng mga manunuod ang kanilang pelikula.

“Na-pressure ako dahil sa sinasabi na wala akong kasama, walang all-star cast but at the end of the day, I hope people decide to watch this film not because it’s me, but because they really want to watch an amazing and quality film for the Metro Manila Film Festival,” sabi pa ni Anne sa press.

 

 

“I have so much faith in this film because at the end of the day it’s not about me, it’s about the film and that’s what I’m really hoping na matulungan niyo kami, spread the word and how amazing this film is and para panuorin nila, hindi lang kung sino ‘yung artista kundi gaano kaganda ang pelikula,” paliwanag pa niya.

Ipinagmalaki din ni Anne ang kanyang naging experience sa isla ng Batanes kung saan shinoot ang kabuuan ng kanilang pelikula.

“Alam mo, it was the most amazing fifteen days of my life. Alam mo yun working with the whole team, working with Direk Yam (Laranas), working from BuyBust na graveyard ang shooting namin, dito 6 pm pack up na kami,” kuwento ni Anne.

“It’s really a different experience… it was my first time in Batanes, sobrang ganda ng Batanes kahit kung saan kami nag-shoot kahit sa pinaka dulo ng isla. It was so quiet and beautiful kaya talagang you get to enjoy kung ano ang nakapaligid sa ‘yo,” pagmamalaking kuwento niya.

Sa darating na Pasko, mapapanuod ang Aurora at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.