PBB evictee Criza Ta-a, inamin na totoong ‘bossy’ siya

PBB evictee Criza Ta-a, walang galit kay Art Guma at inamin na talagang ‘boss’ siya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/8/2018 9:49 AM
PBB evictee Criza Ta-a, inamin na totoong ‘bossy’ siya


Sa Tonight with Boy Abunda, hindi ikinaila ni Pinoy Big Brother Otso Teen evictee Criza Ta-a na “bossy” siya katulad ng sinasabi ng mga housemates. “Ay totoo naman po. Totoo naman so okay lang sa akin.”

Minsan daw sasabihin niya sa loob ng bahay ni Kuya na, “Ayaw ko maghugas.” Pero “may kusa” din naman daw siya kung kinakailngan.

Sa sinabi naman ni Art Guma, na nauna nang na-evict kay Criza, na si Criza ang dapat na-evict, okay lang daw ito sa kanya. “Ay yun yung tingin niya sa akin Tito Boy so okay lang…okay kami ni Art bago siya lumabas… Nagkaroon lang kami ng kaunting alitan and siguro yun lang ang napapansin niya, yung ugali ko. So yun yung nasasabi niya sa akin,” sabi n Criza.

Ang alitan daw nila ni Art ay tungkol sa groceries, kasi nag-insist daw si Criza na bumili sila ng chocolates dahil sa mahirap na task ang natapos nila. Ayon pa kay Criza sinabi sa kanya ni Art na, “Hindi, be more practical…tapos parang may mga words siyang binibitawan sa akin na hindi ko nagustuhan.”

Dagdag pa ni Criza, “Close po kami ni Art dati... nag-e-entertain siya sa akin. Parang ayaw niya po ng may nabo-bore(d) sa bahay. We’re okay. Dun lang talaga sa groceries.”

Pagtatapos pa ni Criza tungkol kay Art, “Si Art very talented and mabait.”

Ultimate lola’s girl din si Criza na ang tanging hiling daw sa Diyos ay humaba ang buhay ng lola niya.