• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo nanalo ng pangalawang Best Actress Award para sa 'The Hows of Us'

Kathryn Bernardo nanalo ng pangalawang Best Actress Award para sa 'The Hows of Us'

Best Actress, Best Actor at Makabata Star Awardees, ang mga bagong parangal kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/8/2018 12:23 PM
Kathryn Bernardo nanalo ng pangalawang Best Actress Award para sa 'The Hows of Us'


Photo credit: @starcinema IG

Ito na ang ikalawang pagkakataon na makatanggap ng Best Actress Award si Kathryn Bernardo, para sa pelikulang The Hows Of Us. 

Kagabi, December 8, iginawad ang Best Actress Award kay Kathryn, kasabay din ng Best Actor Award para sa ka-love team at real-life boyfriend na si Daniel Padilla.

Sa parehong araw, tumanggap din ang KathNiel ng Makabata Star Award mula sa Anak TV. 

Nitong nakalipas na LionHeart TV Rawr Awards 2018, last November 14, tinanghal na  Actress of the Year si Kathryn Bernardo, at Movie ng Taon ang pelikula nila ni Daniel na The Hows of Us.

Mapapanood pa rin ngayon ang bagong pelikula na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo, ang Three Words to Forever na kung saan nakasama niya sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.