• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin nakaisip ng kakaibang combination sa pelikulang 'Jack Em Popoy'

Coco Martin nakaisip ng kakaibang combination sa pelikulang 'Jack Em Popoy'

Dream come true para kay Coco Martin ang pelikulang 'Jack Em Popoy: The Puliscredibles' dahil nakatrabaho niya ang isa sa kanyang mga idolo na si Vic Sotto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/8/2018 8:37 AM
Coco Martin nakaisip ng kakaibang combination sa pelikulang 'Jack Em Popoy'


Sa kakatapos lang na press conference para sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles, isa sa mga entries para sa upcoming Metro Manila Film Fest, masayang ibinahagi ng mga bidang si Vic Sotto at Coco Martin ang excitement nila para sa pelikula.  

"Parang noong isang araw lang iniisip lang namin eh. Tapos ang bilis ng panahon, eto na. As a matter of fact kami ni Coco, marami na kaming naparating na mensahe sa isa't isa. Nung araw pa a few years back, we wanted to do a project together. Tapos di naman matuloy-tuloy, busy siya, busy ako, busy lahat ng tao. Tapos isang araw bigla na lang kami nagkita, nagmemeeting na kami, pinaguusapan na namin yun project. Parang ang bilis ng mga pangyayari at sandali na lang Pasko na at palabas na yung Jack Em Popoy," lahad ni Vic.

Kwento naman ni Coco, dream come true para sa kanya ang proyekto na taon na ang binilang bago natupad. 

"Dati ko pa po kasi nire-request makatrabaho is Bossing (Vic). May concept po ako dati na si Enteng at si Juan (dela Cruz). Tapos lumapit po kami sa kanila baka sakaling pwede kami magsama ni Bossing pero because of the management, magkaiba po ang kumpanya, di po natuloy yun. And then after that may nabuo ulit akong kwento, baka sakali pwede. Actually nahihiya na ko kay Bossing kasi nga di natuloy yun unang project naming nilapit sa kanya. Then kinausap namin si Mr. Tuviera, nilapit namin yun concept," kwento ng aktor. 

"Naalala ko po kasi nun bata ako, every time po pag Pasko sama-sama kami ng pamilya ko nanonood ng pelikula ni Bossing, lahat ng mga Enteng nanonood kami. Kaya po nung naging artista na po ako, lagi kong sinasabi pangarap kong makatrabaho si Bossing," dagdag pa niya. 

May unique concept daw na naisip si Coco na sa tingin niya ay magugustuhan ng mga MMFF moviegoers.  

"Kailangan tong pelikulang to,nandito na lahat. Unang-una siguraduhin natin yun gagawing pelikula ay pang Pasko at sa pamilya. Kaya sinigurado namin na kumpleto ito sa action, sa drama , comedy, romance, tapos sabi ko sa pagkakataon na to bakit di natin pagsamahin ang dalawang pamilya, -- pamilya ng Ang Probinsyano at pamilya ng Eat Bulaga pero pagibahhin natin ang kumbinasyon. Sabi ko subukan kaya natin na lahat ng nasa side ko puro taga-Eat Bulaga at makakasama ni Bossing mga taga-Ang Probinsyano. 

Nang tanungin naman kung pwede ba siyang mag-promote sa It'Showtime, kung saan andun naman ang bida ng isa pang MMFF entry, ang kaibigan niyang si Vice Ganda, mabilis ang naging sagot ni Coco, "Opo. Alam ko po."  

Tungkol naman sa pagpro-promote ng Jack Em Popoy sa kabilang network naging maiksi naman ang tugon nito. 

"Gusto ko po. Papaalam po. (laughs)"