• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza at Arjo Atayde, ‘getting to know each other’ na ngayon

Maine Mendoza at Arjo Atayde, ‘getting to know each other’ na ngayon

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/7/2018 11:09 AM
Maine Mendoza at Arjo Atayde, ‘getting to know each other’ na ngayon


Tila napa-amin sa entertainment press ang actress-TV host na si Maine Mendoza tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Arjo Atayde.

Sa naganap na media conference ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na Jak Em Popoy: The Puliscredibles, hindi nakaiwas si Maine sa mga mainit na tanong sa kanya.

“Friends kami,” tugon ni Maine sa press.

Kung tatanungin naman kung nanliligaw na ba sa kanya ang Kapamilya actor, “Hindi, friends kami. We’re going out as friends,” paglilinaw niya.

Hindi din nag-deny si Maine na lumalabas talaga sila ni Arjo.

“Getting-to-know-each-other phase. Siyempre paano mo makikilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?” ani Maine.

Samantala, Hindi naman nakadalo sa nasabing media conference si Arjo na kasalukuyan na abala noon sa shoot ng Maalaala Mo Kaya para sa darating na Disyembre 8.

Sa darating na Pasko, mapapanuod ang Jak Em Popoy: The Puliscredibles at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.